Pamamaslang sa isang OFW sa Jordan, mariing kinondena

Mariing kinokondena ni OFW Party-list Representative Marissa Magsino ang brutal na pagpatay sa Overseas Filipino Worker na si Mary Grace Santos na nagtatrabaho sa Amman, Jordan. Batay sa mga ulat isang menor de edad ang suspek na ginahasa at isinilid pa sa tangke ng diesel ang katawan ng biktima. Diin ni Magsino, ipinapakita lamang nito… Continue reading Pamamaslang sa isang OFW sa Jordan, mariing kinondena

Mandatory training para sa mga mananalong SK officials, inihahanda ng NYC

Pinaghahandaan na ng National Youth Commission (NYC) ang pagbibigay ng mandatory training sa mga mahahalal na bagong opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK). Ayon kay Rochelle Austria, Area Coordinator ng NYC sa Regions 2 at 3, dapat maisagawa ang pagsasanay mula November 3 hanggang 14 para sa Region 2. Kaugnay rito, sumailalim na ang ilang Local… Continue reading Mandatory training para sa mga mananalong SK officials, inihahanda ng NYC

Kampanya kontra paninigarilyo at vape sa mga kabataan, dapat palakasin

Kinalampag ni Manila 6th district Rep. Bienvenido Abante ang pamahalaan na paigtingin ang kampanya para himukin ang mga kabataan na talikuran ang paninigarilyo pati ang paggamit ng vape. Ito’y matapos bumaba ang Pilipinas sa 2023 Tobacco Industry Interference (TII) Index kung saan sinusukat ang mga polisiya ng pamahalaan patungkol sa tobacco industry interference at kung… Continue reading Kampanya kontra paninigarilyo at vape sa mga kabataan, dapat palakasin

Higit 1,000 kilo ng Peking duck, nasabat ng NMIS sa QC

Aabot sa halos 66 na kahon o higit 1,000 kilo ng Peking duck ang kinumpiska ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa ikinasang buy bust operation sa Quezon City, Ikinasa ng NMIS Enforcement Unit ang operasyon noong October 20 sa palengke ng Project 6 sa Barangay Vasra. Ayon sa NMIS, ang mga nasamsam na karne… Continue reading Higit 1,000 kilo ng Peking duck, nasabat ng NMIS sa QC

“Manatiling tapat sa bayan” — Gen. Brawner sa mga tauhan ng AFP

Nanawagan si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa mga tauhan ng militar na manatiling tapat sa bayan. Ito ang mensahe ng AFP chief na binasa ni Lt.Gen Arthur Cordura, Vice Chief of Staff AFP at Chief of the Office of Ethical Standards and Public Accountability, sa flag-raising… Continue reading “Manatiling tapat sa bayan” — Gen. Brawner sa mga tauhan ng AFP

Tensyon sa pulitika sa Masbate City, humantong sa pamamaril; kandidato sa pagka-kagawad, patay

Nauwi sa pamamaril ang umano’y tensyon sa pagitan ng dalawang kampo ng mga kumakandidato sa barangay Maingaran, Masbate City nitong hapon ng Oktubre 22, na ikinasawi ng isang aspirante sa pagka-barangay kagawad. Kinilala ang biktima na si Juvy Pintor, 44 anyos, habang sugatan ang kaalyado nitong incumbent punong barangay na si Joseph Martinez. Sa ulat… Continue reading Tensyon sa pulitika sa Masbate City, humantong sa pamamaril; kandidato sa pagka-kagawad, patay

Programa ng Marcos Jr. administration para sa mga OFW, patuloy na susuportahan ng Kamara

Kahit naka-break ngayon ang Kongreso ay magpapatuloy ang House Committee on Overseas Workers Affairs sa pagdaraos ng mga pagdinig upang talakayin ang mga panukala na makapagbibigay ng benepisyo sa mga OFW. Ayon kay Kabayan party-list Rep. Ron Salo, ito ay salig na rin sa atas ni Speaker Martin Romualdez upang maipakita ang suporta ng Kamara… Continue reading Programa ng Marcos Jr. administration para sa mga OFW, patuloy na susuportahan ng Kamara

Tren ng MRT-3, nagkaaberya ngayong umaga

Kinumpirma ng DOTr-MRT-3 management na nagkaroon ng aberya sa operasyon ng tren kaninang morning rush hour. Ayon sa MRT-3, alas-7:33 kaninang umaga nang makaranas ng ‘communication issue’ ang isang tren na pa-northbound malapit sa bahagi ng Magallanes station. Dahil dito, kinailangang i-offload ang mga pasahero at ilipat sa susunod na tren. Agad naman aniyang inalis… Continue reading Tren ng MRT-3, nagkaaberya ngayong umaga

Pagsuspinde ng Pass Through Fees sa mga produkto, malaki ang maitutulong sa pagbaba ng presyo ng Noche Buena items — DTI

Positibo ang Department of Trade and Industry (DTI) na malaki ang maitutulong ng suspensyon ng Pass Through Fees sa pagbaba ng presyo ng Noche Buena items ngayong ilang buwan bago sumapit ang Pasko. Ayon kay DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco, dahil sa pagsuspinde ng Pass Thourgh Fees ay malaki ang kabawasan ng mga food… Continue reading Pagsuspinde ng Pass Through Fees sa mga produkto, malaki ang maitutulong sa pagbaba ng presyo ng Noche Buena items — DTI

Philippine Coast Guard Academy, itatayo sa Misibis, Bacacay Albay

Ibinalita ni Atty. Alfredo Garbin Jr., Executive Director ng AKO Bicol Partylist, na kagaya ng Philippine Military Academy o PMA, at Philippine National Police Academy o PNPA, ang itatayong Philippine Coast Guard Academy sa Misibis, Bacacay Albay.   Kamakailan, lumagda na sa isang Memorandum of Agreement o MOA ang Philippine Coast Guard at Department of Public… Continue reading Philippine Coast Guard Academy, itatayo sa Misibis, Bacacay Albay