Adopt-a-farmer program, inilunsad ng party-list solon; mas murang bentahan ng bigas, resulta ng programa

Inilunsad kamakailan ni SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta ang kaniyang ‘Adopt-a-farmer program.’ Sa ilalim nito, ang katuwang na negosyante ay direktang binibili sa mga magsasaka ang palay sa halagang ₱21– mas mataas sa ₱19 na buying price ng NFA at ibinibenta naman sa mga mamimili sa halagang ₱35 kada kilo o mas mura ng ₱17… Continue reading Adopt-a-farmer program, inilunsad ng party-list solon; mas murang bentahan ng bigas, resulta ng programa

Chinese ambassador dito sa Pilipinas, dapat nang palitan — Sen. Joel Villanueva

Sa tingin ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, maaaring panahon na para palitan na ang ambassador ng China dito sa Pilipinas dahil sa patuloy na pambu-bully ng China sa ating bansa sa West Philippine Sea (WPS). Ito ay kaugnay pa rin ng pagbangga ng Chinese Coast Guard sa sasakyang pandagat ng Pilipinas na nasa isang… Continue reading Chinese ambassador dito sa Pilipinas, dapat nang palitan — Sen. Joel Villanueva

Pagbaril sa isang kandidato sa 2023 BSKE mula Aguilar, Pangasinan, kinondena ng gobernador

Kinondena ni Pangasinan Governor Ramon Guico III ang nangyaring pagpatay sa isang kandidato sa Halalang Pambarangay sa bayan ng Aguilar. Ayon sa gobernador, nakakalungkot ang pangyayari lalo na at sa flag raising ceremony ng Kapitolyo noong araw ng Lunes ay nanawagan ito para sa mapayapang halalan sa lalawigan. Aniya, sa pagkakataong iyon, hindi pa niya… Continue reading Pagbaril sa isang kandidato sa 2023 BSKE mula Aguilar, Pangasinan, kinondena ng gobernador

DICT, nakatutok sa pagbibigay ng technical assistance sa Precinct Finder ng COMELEC

Nakaagapay ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Commission on Elections (COMELEC) sa inilabas nitong Precinct Finder na binuksan para sa mga botante sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections. Ayon kay DICT Spokesperson Assistant Secretary Renato Paraiso, COMELEC ang may kontrol at mangangasiwa sa Precint Finder habang ang DICT naman ang naatasang… Continue reading DICT, nakatutok sa pagbibigay ng technical assistance sa Precinct Finder ng COMELEC

LTFRB, nagbabala sa mga kolorum na mananamantala ngayong marami ang luluwas pa-probinsya

Kasunod ng inaasahang pagdagsa ng mga biyaherong mag-uuwian sa kani-kanilang probinsya para sa BSKE at Undas ay tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapaigting rin ng Inter-Agency Task Force sa anti-colorum operations. Ayon kay LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano, kadalasang naglilipana ang mga colorum na van tuwing marami ang lumuluwas… Continue reading LTFRB, nagbabala sa mga kolorum na mananamantala ngayong marami ang luluwas pa-probinsya

Embahada ng Pilipinas sa Lebanon, nagbabala sa posibleng pagsiklab ng gulo sa pagitan ng Israel at Hezbollah

Pinag-iingat ngayon ng Embahada ng Pilipinas sa Lebanon ang mga kababayang Pilipino sa naturang bansa. Ito’y dahil sa posibleng pagsama ng Lebanese Militant Group na Hezbollah sa grupong Hamas laban sa Israeli forces. Ayon kay Philippine Ambassador to Lebanon Raymond Balatbat, batay sa kanilang monitoring ay nagmomobilisa na rin ang grupo ng Hezbollah para makisimpatiya… Continue reading Embahada ng Pilipinas sa Lebanon, nagbabala sa posibleng pagsiklab ng gulo sa pagitan ng Israel at Hezbollah

Guidelines para sa mga pulis na “vlogger” ilalabas ng PNP

Maglalabas ang Philippine National Police (PNP) ng mga guidelines para sa mga pulis na vlogger. Ayon kay PNP Directorate for Police Community Relations Director Major GeneralEdgar Alan Okubo, wala pa sa ngayong pormal na polisiya ang PNP tungkol sa kanilang mga miyembro na aktibo sa social media bilang vlogger, pero sinisimulan na ang pagbuo ng… Continue reading Guidelines para sa mga pulis na “vlogger” ilalabas ng PNP

Pag-live stream ng isang vlogger sa ongoing Police operation, tahasang paglabag sa Data Privacy Act — PAOCC

Inirekomenda ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na patawan ng “Gag Order” ang tagapagsalita ng PNP-Anti Cybercrime Group (ACG) na si Police Captain Michelle Sabino. Ito’y ayon kay PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz kasunod ng patuloy na paglabas ni Sabino sa media para idepensa ang pagsama nito sa vlogger… Continue reading Pag-live stream ng isang vlogger sa ongoing Police operation, tahasang paglabag sa Data Privacy Act — PAOCC

Presidential Anti-Organized Crime Commission, iginiit na wala sa plano na magsama ng vlogger sa raid sa Makati

Nilinaw ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Gilbert Cruz na wala sa plano na isama ang vlogger na si Rendon Labador sa isinagawang pinagsanib na operasyon ng PAOCC at Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (ACG) sa isang online lending company sa Makati noong October 20. Ito’y sa kabila ng paliwanag ni PNP-ACG… Continue reading Presidential Anti-Organized Crime Commission, iginiit na wala sa plano na magsama ng vlogger sa raid sa Makati