Nagsisilbi ngayon ang 39 na pulis bilang mga miyembro ng Board of Election inspectors (BEI) sa ilang polling precincts sa lalawigan ng Abra.
Ito’y matapos na umatras ang ilang mga guro dahil umano sa banta sa kanilang seguridad.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame ngayong umaga, sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na 4,400 PNP personnel ang sumailalim sa pagsasanay ng Commission on Elections (COMELEC) para magsilbing BEI kung kakailanganin.
Bukod sa Abra, mayroon ding 600 stand-by police personnel na pwedeng magsilbing BEI ang pinadala ng PNP sa Maguindanao Del Sur base sa kahilingan ng pamahalaang panlalawigan. | ulat ni Leo Sarne