Tuluyan nang sisibakin sa serbisyo ang pitong Cavite City Police na sangkot sa umano’y pangraransak sa bahay ng isang retiradong professor sa Imus Cavite.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, kanina lamang napirmahan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda ang dismissal order ng naturang mga pulis.
Kabilang sa mga sinibak ay sina Staff Sergeants Jesus Alday, Julius Barbon, Emil Buna, Corporals Jenerald Cadiang, Lew Amando Antonio, at Patrolmen Reymel Czar Reyes at Rene Mendoza.
Ito’y matapos silang kasuhan ng six counts of grave misconduct, two counts of less gave misconduct, one count of grave irregularity in the performance of duty, grave dishonesty, at conduct unbecoming of a police officer.
Habang ang chief of police at team leader nila ay patuloy pang iniimbestigahan. | ulat ni Leo Sarne