Dalawa pang suspek sa hazing ng graduating student na si Ahldryn Bravante, sumuko na rin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Anim na ang suspek na hawak ng Quezon City Police District na sangkot sa hazing incident na ikinasawi ng graduating criminology student na si Ahldryn Bravante.

Kasunod ito ng pagsuko ng dalawa pang miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity sa pulisya.

Unang sumuko kagabi sa QCPD Police Station 1 ang 18 taong gulang na si John Xavier Clidoro Arcosa, kasama ang kanyang mga magulang.

Sumunod dito si John Arvin Regualos Diocena na kararating lang ngayong umaga sa Criminal Investigation and Detection Unit kasama ang kanyang tiyahin.

Ayon sa kanya, nagtungo siya rito sa CIDU para linawin ang kanyang pangalan..

Una nang nagsampa ang QCPD ng kasong paglabag sa Anti-Hazing Law laban sa 16 na natukoy nang suspek sa krimen kabilang ang apat na na-inquest na.

Sa ngayon, nagpapatuloy din ang manhunt operation sa iba pang suspek

Patuloy naman ang panawagan ng QCPD sa mga sangkot sa insidente na sumuko na para matulungan ang pamilya na mabigyan ng katarungan ang pagkasawi ng kanilang anak. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us