Dalawang suspek sa “love scam” na nambiktima ng 72-taong biyuda, arestado ng ACG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naaresto ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang dalawang suspek sa “Love Scam” na nambiktima ng isang 72-taong gulang na biyuda mula sa Batangas City.

Ayon kay ACG Spokesperson Police Capt. Michelle Sabino nahuli ang babae at lalaking suspek sa entrapment operation sa Las Piñas nitong Oktubre 10.

Base sa reklamo ng biktima, nakilala niya noong Marso 27, 2023 ang isang suspek sa Facebook bilang “Evans Maxwell” na nagpanggap na Amerikanong manliligaw.

Dahil sa nahulog na ang kanyang loob, hindi nag-alinlangan ang biktima nang magpadala siya ng P700,000 sa pamamagitan ng manager’s check sa isang “Louie John Petere”; at P1.2 milyon naman ang ipinadala niya sa money remittance service sa isang “Laiden Petere”, para pang-biyahe umano ng suspek.

Pero nagduda na ang biyuda nang hingan siya ng karagdagang $20,000 ng suspek, at nagsumbong na sa ACG.

Ang mga suspek na kasalukuyang nakakulong sa Las Piñas Police station ay kakasuhan ng Swindling/Estafa kaugnay ng paglabag sa RA 10175 o Cybercrime Prevention Act. | ulat ni Leo Sarne

📷: ACG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us