Labi ng estudyanteng nasawi sa sampal ng guro sa Antipolo, dinala sa Camp Crame

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumating sa Camp Crame ang mga labi ng grade 5 student na nasawi umano sa sampal ng guro sa Antipolo City.

Ito’y matapos makuha ng pamilya ng biktimang si Francis Jay Gumikib ang death certificate ng kanilang anak mula sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center.

Ang mga labi ng biktima ay dadalhin sa PNP Forensics Lab para isailalim sa autopsiya.

Ito’y para madetermina ang iba pang posibleng sanhi ng pagkamatay ng bata na pwedeng magamit sa pagsasampa ng kaso laban sa guro na sinasabing nanakit.

Inaasahang tatayong testigo ang dalawang kaklase ng biktima.

Sa ngayon, naghain na ng leave of absence ang guro habang iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us