Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang bahagi ng Calaca, Batangas ngayong umaga lang na naramdaman hanggang Metro Manila.
Ayon sa PHIVOLCS, tumama ang lindol ganap na 8:24 ng umaga.
Natukoy ang epicenter nito sa layong 5km Timog Kanluran ng Calaca at may lalim na 14km.
Tectonic naman ang origin ng lindol.
Naitala ang Instrumental Intensities sa:
Intensity V – Lemery, BATANGAS
Intensity IV – Cuenca, Bauan, Sta. Teresita, and San Luis, BATANGAS; Tagaytay City, CAVITE; Muntinlupa City, METRO MANILA
Intensity III – Laurel, Batangas City, BATANGAS; Tagaytay City, CAVITE; Dolores,
QUEZON
Intensity II – Talisay, and Rosario, BATANGAS; Magallanes, CAVITE; Boac, MARINDUQUE; City of Las Pinas, City of Pasay, METRO MANILA; Puerto Galera, ORIENTAL MINDORO; Mauban, Polillo, and Gumaca, QUEZON; Taytay, Antipolo,
RIZAL
Intensity I – Dinalupihan, BATAAN; Malvar, BATANGAS; Malolos City, and Guiguinto, BULACAN; Ternate, CAVITE; San Pablo, LAGUNA; Malabon City, Pateros, City of San Juan, City of Paranaque, METRO MANILA; Abra De llog, and Mamburao,
OCCIDENTAL MINDORO; Lucan, Lucena City, and Alabat, QUEZON; Tanay, RIZAL
Inaasahan naman ng PHIVOLCS ang pinsala at aftershocks kasunod ng lindol. | ulat ni Merry Ann Bastasa