Mahigit 100 sasakyan at 2,000 tauhan, dineploy ng PNP sa NCR para sa transport strike

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-deploy ang Philippine National Police ng 105 sasakyan sa National Capital Region (NCR) para umalalay sa mga commuter sa gitna ng transport strike ng grupong Manibela.

Sa ulat ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director Police Brig. General Melencio Nartatez Jr. kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., 88 sasakyan mula sa limang police district, at 17 sasakyan mula sa NCRPO ang dineploy para sa “Libreng Sakay” simula kaninang alas-kwatro ng umaga.

Habang naka-standby din aniya ang mga patrol vehicle ng PNP sa Metro Manila kung sakaling kakailanganin.

Ayon pa kay Nartatez, 2,245 tauhan ng NCRPO ang dineploy sa “areas of concern”, partikular sa passenger pick-up and drop-off points para bantayan ang posibleng tensyon sa pagitan ng mga drayber na kasama sa transport strike at sa mga namamasadang tsuper.

Kabilang sa dineploy ang 871 Civil Disturbance Management (CDM) contingents, 995 pulis sa major thoroughfares, 292 sa transportation hubs/terminals, 476 sa commercial areas, 657 sa iba pang places of convergence, at 633 tropa ng Reactionary Standby Support Force (RSSF). | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us