Mapayapa at maayos na BSKE, tiniyak sa pagpupulong ng Comelec, AFP, PNP at PCG sa Maguindanao del Norte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (WESTMINCOM) Commander Maj. General Steve Crespillo na ibibigay ng militar ang kanilang “best effort” para masiguro ang tagumpay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30.

Ang pahayag ay ginawa ng Heneral sa pagpupulong kahapon ng Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns (CBFSC), Regional Joint Security Control Center (RJSCC), at AFP and PNP Joint Peace and Security Coordinating Council (JPSCC) kasama ang Philippine Coast Guard (PCG).

Si Commissioner Aimee Ferolino, Chairperson ng CBFSC, ang namuno sa pagpupulong na isinagawa sa 6th Infantry Division Headquarters sa Camp Siongco, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Ayon kay Maj. Gen. Crespillo, ang pagpupulong ay naging magandang pagkakataon para isapinal ang lahat ng paghahanda para sa inaasahang mapayapa at maayos na BSKE. | ulat ni Leo Sarne

📷: WESMINCOM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us