Mga babaerong pulis, binalaan ng IMEG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binalaan ni PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) Director Police Brig. General Warren de Leon ang buong hanay ng PNP na hindi nila kukunsintihin ang mga imoral na gawain ng ilang pulis bilang pagsuporta sa 5 Focus Agenda ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr.

Ang babala ay ginawa ni de Leon matapos arestuhin ng IMEG ang isang pulis ng Quezon City Police District (QCPD) na inireklamo ng kanyang asawa ng pakiki-apid sa ibang babae.

Kinilala ni de Leon ang arestadong pulis na si PMsg. John Ledesma Mollenido, 36, na sinilbihan ng warrant of arrest na inisyu ng Municipal Trial Court, Fourth Judicial Region, Tanza, Cavite dahil sa kasong “concubinage”.

Nasakote si Mollenido sa Airobez Hotel Makati noong Sabado matapos na makatanggap ng tip ang IMEG tungkol sa kanyang lokasyon mula sa hotel supervisor.

Ang suspek ay dinala sa IMEG Custodial Facility sa Camp Crame para sa dokumentasyon bago iharap sa korte. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us