Mga balota, pinagpupunit sa dalawang presinto sa Puerto Princesa City Palawan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pansamantalang itinigil ang botohan sa dalawang presinto sa Puerto Princesa Elementary School sa Puerto Princesa City Palawan kanina.

Ito’y matapos sapilitang kunin ng dalawang grupo ang mga balota at pinagpupunit.

Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, mabilis na rumesponde ang mga pulis at ang City Election Officer ng Puerto Princesa City, Palawan para i-assess ang sitwasyon.

Mabilis namang naaresto ng mga pulis ang suspek at agad kinasuhan.

Samantala, agad namang pinalitan ng mga bagong balota ang nasirang balota kung saan naibalik din ang pagboto ngayong hapon. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us