NCRPO, magpapakalat ng nasa 15k pulis sa Metro Manila ngayong Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipakakalat ng National Capital Region Police Office ang nasa 15,000 pulis sa buong Metro Manila para sa Undas bukas.

Ayon kay NCRPO Acting Chief Police BGen. Melencio Nartatez, Jr., bukod sa mga sementeryo ay maglalagay pa rin sila ng pwersa at tauhan sa mga terminal.

May mga mag-iikot din sa mga barangay lalo at maraming kabahayan ay walang tao dahil nasa sementeryo o kaya naman ay nasa probinsya.

Bilin ni Nartatez sa police commanders sa buong Metro Manila, paigtingin ang ‘police visibility’ para sa kaligtasan at seguridad ng publiko ngayong Undas.

Samantala, tutulong rin ang pulisya sa pagbabantay ng mga ipinagbabawal sa loob ng mga sementeryo kabilang na ang alak, matutulis na bagay tulad ng kutsilyo at iba pa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us