Pagkuha ng senior high, itinutulak na hindi na maging mandatory

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan na ng House Committee on Basic Education and Culture ang panukala na huwag nang gawing mandatory ang pagkuha ng senior high school.

Ang naturang substitute bill ng Education Pathways Act ang mag-aamyenda sa K to 12 basic education program.

Sa ilalim ng panukala, ang mga junior high school completers ay bibigyan ng opsyon na mamili sa dalawang education pathways.

Una ang college preparatory program sa ilalim ng Department of Education (DepEd) o ang Technical-Vocational Program sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ang mga nais na makapag kolehiyo lamang ang kukuha ng college preparatory program o yung dalawang taong senior high school.

Sa kasalukuyan kasi, lahat ng nagtapos ng junior high school ay kailangang kumuha ng senior high school upang makatanggap ng high school diploma.

Binigyan naman ng komite ang mga stakeholder ng isang linggo para magsumite ng kanilang mga position paper bago maging pinal ang bersyon ng panukala na iaakyat sa plenaryo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us