PNP Chief Gen. Acorda, nag-ikot sa ilang voting center sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng inspeksyon si PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr. sa ilang eskwelahan sa QC na nagsisilbing polling centers ngayong BSKE.

Mula sa command center ng PNP sa Camp Crame, tinungo ng PNP Chief ang Ponciano Bernardo High School sa Brgy. Bagong Lipunan kung saan din ito bumoto.

Nag-inspeksyon din ang PNP Chief sa lagay ng halalan sa naturang eskwelahan.

Nag-inspeksyon rin si Gen. Acorda sa sitwasyon ng halalan sa Pres. Corazon Aquino Elementary school sa Quezon City.

Ayon kay Gen. Acorda, kuntento siya sa ipinatutupad na security measures ng mga tauhan ng PNP gayundin ang mga nakalatag na police assistance desk.

Wala pa rin aniyang naitatalang ‘untoward incident’ sa naturang eskwelahan sa ngayon.

Kasamang nag-ikot ni Gen. PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo at QCPD Chief Police BGen. Red Maranan.

Inaasahan namang mamayang alas-12 ng tanghali ay magtutungo sina PNP Chief Acorda, DILG Sec. Abalos at QCPD Chief Maranan sa Command at Monitoring Center ng QCPD sa Kampo Karingal. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us