Police trainee na sumagip sa nalulunod na bata, pinuri ng PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang police trainee ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakuhanan ng video sa aktong pagligtas ng nalulunod na bata.

Ayon sa PNP Chief, nagpamalas ng kakaibang lakas ng loob at walang pag-iimbot si Police Trainee August David nang sagipin niya ang batang babae mula sa mapanganib na ilog sa Taytay, Rizal noong Oktubre 6.

Ito aniya ay natatanging ehemplo ng pagpapahalaga ng PNP sa kapakanan ng mga mamamayan.

Nagbigay-pugay si Gen. Acorda kay PT David at sinabing malaking karangalan para sa PNP na may tauhan na handang magsakripisyo sa pagganap ng kanyang tungkulin.

Ipinaabot rin ni Gen. Acorda ang pasasalamat ng buong hanay ng PNP kay PT David sa kanyang pagpapamalas ng “highest ideals” ng kapulisan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us