QCPD, tiniyak ang seguridad para sa  Ligtas UNDAS 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro sa publiko ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Redrico Maranan ang mahigpit na seguridad sa panahon ng Undas, bukas.

Sinabi ni General Maranan, na magde-deploy ang QCPD ng humigit-kumulang na 3,864 personnel sa bus terminals, MRT/LRT stations, malls, cemeteries, at columbarium sa lungsod.

Ito ay upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mamamayan ng lungsod.

Maglalagay na rin ng Assistance Hubs (AHs) ang pulisya sa bawat sementeryo at columbarium, na makakapagbigay ng assistance na kailangan ng publiko.

Hinimok din ng pulisya ang publiko na i-report ang anumang suspicious o untoward incidents para sa agarang pagtugon.

Sa kabila ng pagtutok ng QCPD sa mga sementeryo at iba pang vital installations, patuloy din sila sa mga isasagawang anti-criminality operations sa lungsod. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us