Sen. Tolentino, nagbigay ng tulong sa pamilya ng 3 Pilipinong mangingisda na nasawi sa ramming incident sa karagatan ng Pangasinan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Personal na binisita ni Senador Francis Tolentino ngayong araw ang burol ng tatlong mangingisdang Pilipino na nasawi matapos banggain ng isang foreign vessel ang sinasakyan nilang bangkang pangisda sa karagatan ng Pangasinan nitong October 2.

Kabilang sa mga mangingisdang nasawi sa naturang insidente sina Dexter Laudencia, Romeo Mejeco, at Benedicto Olandria.

Nagpaabot rin ng tulong ang senador sa pamilya ng tatlong nasawing mangingisda.

Kinuha na rin ni Tolentino ang pagkakataon para makausap ang mga nakaligtas sa naturang insidente at maunawaan kung anong tulong ang kinakailangan.

Ayon sa mambabatas, handa silang magbigay ng legal assistance sa mga nais maghain ng kaso laban sa may-ari at kapitan ng barkong nakabangga sa kanila at panagutin ang mga ito sa nangyari.

Una nang iginiit ni Tolentino, na siyang namumuno sa Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, na ang ramming incident ay nagbibigay diin lang sa pangangailangan na makabuo na ang Pilipinas ng batas na tutukoy sa Archipelagic Sea Lanes ng ating bansa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us