PBBM, hinikayat ang bawat isa na magkaroon ng repleksyon at humingi ng gabay sa Panginoon ngayong Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa

Magkaroon ng repleksyon sa kung ano ang layunin sa buhay at paghingi ng gabay mula sa itaas. Ito ang bahagi ng mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong paggunita sa Araw ng mga Santo (All Saints’ Day) at Araw ng mga Kaluluwa (All Souls’ Day). Sinabi ng Pangulo na sa marubdob na pagsunod sa… Continue reading PBBM, hinikayat ang bawat isa na magkaroon ng repleksyon at humingi ng gabay sa Panginoon ngayong Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa

Bilang ng bibisita sa Himlayang Pilipino ngayong Undas, posibleng pumalo sa higit 50,000

Inaasahan ng pamunuan ng Himlayang Pilipino sa Quezon City ang mataas na bilang ng mga bibisita sa sementeryo ngayong Undas. Ayon kay Engr. Michael Abiog, Park Operations Manager, posibleng pumalo sa higit 50,000 ang magtungo sa Himlayang Pilipino para bisitahin ang puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa bubay. Paliwanag nito, kumpara noong nakaraang taon,… Continue reading Bilang ng bibisita sa Himlayang Pilipino ngayong Undas, posibleng pumalo sa higit 50,000

Mga pamilyang nagpalipas ng gabi sa Himlayang Pilipino, mas kakaunti kumpara noong nakaraang Undas

Mas kakaunti ngayon ang nagovernight sa Himlayang Pilipino sa Tandang Sora, Quezon City kumpara noong nakaraang taon. Sa tala ng memorial park, mula sa higit 13,000 naitalang nagtungo sa sementeryo kahapon, mayroon lamang 327 ang nag-overnight na mas maliit daw kumpara noong nakaraang Undas. Nakapanayam rin ng Radyo Pilipinas team ang isang pamilyang nag-overnight sa… Continue reading Mga pamilyang nagpalipas ng gabi sa Himlayang Pilipino, mas kakaunti kumpara noong nakaraang Undas

Punong ministro ng Japan, haharap sa Filipino lawmakers ngayong Nobyembre

Haharap sa ating mga mambabatas ang punong ministro ng Japan. Sa November 4 ay magdaraos ng Special Joint Session ang Kamara at Senado, alas-10 ng umaga, para salubungin at tanggapin si Japanese Prime Minister Fumio Kishida at kaniyang delegasyon. Inaasahan na magtatalumpati rin ito sa harap ng Filipino lawmakers sa Batasang Pambansa. Kinailangan magpatawag ng… Continue reading Punong ministro ng Japan, haharap sa Filipino lawmakers ngayong Nobyembre

Red Cross, nakikiisa sa sambayanang Pilipino sa paggunita ng Undas

Nagpaabot ng pakikiisa ang pamunuan ng Philippine Red Cross (PRC) sa paggunita ng sambayanang Pilipino sa mga yumaong mahal sa buhay o ang tradisyonal na Undas ngayong araw. Kasunod nito, tiniyak ni PRC Chairman at dating Senador Richard Gordon ang kanilang kahandaan para umalalay sa publiko sa araw na ito kung saan, may sapat naman… Continue reading Red Cross, nakikiisa sa sambayanang Pilipino sa paggunita ng Undas

Mga inilatag na Police Assistance Desk ng PNP sa mga himlayan at areas of convergence, handang umalalay sa publiko ngayong Undas

Handang umalalay sa publiko ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na nakatalaga sa may 4,866 na mga Police Assistance Desk na nakakalat sa iba’t ibang sementeryo at iba pang matataong lugar ngayong araw. Ito’y kasabay na rin ng paggunita ng sambayanang Pilipino sa tradisyonal na Undas o All Saint’s Day ngayong araw gayundin… Continue reading Mga inilatag na Police Assistance Desk ng PNP sa mga himlayan at areas of convergence, handang umalalay sa publiko ngayong Undas

Inilatag na seguridad ng PNP para sa Undas, iinspeksyunin ni Gen. Acorda

Iinspeksyunin ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang sitwasyon sa Manila North Cemetery ngayong araw para masiguro na maayos ang inilatag na seguridad ng PNP sa paggunita ng Undas. Una nang inanunsyo kahapon ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo na aabot sa 27,161 pulis ang ipakakalat… Continue reading Inilatag na seguridad ng PNP para sa Undas, iinspeksyunin ni Gen. Acorda

Alegasyon ng China sa umano’y iligal na pagpasok sa Bajo de Masinloc ng Phil. Navy, pinasinungalingan ni Sec. Año

Karapatan ng Pilipinas sa ilalim ng International Law na magpatrolya saan man sa West Philippine Sea, kabilang ang Bajo De Masinloc, na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas. Ito ang sagot ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año sa pahayag ng tagapagsalita ng Chinese People’s Liberation Army (PLA) Southern Theater Command na umano’y… Continue reading Alegasyon ng China sa umano’y iligal na pagpasok sa Bajo de Masinloc ng Phil. Navy, pinasinungalingan ni Sec. Año