Pagkakaibigan ng Batac at Cagayan de Oro City, naging pormal na

Naging opisyal na ang pakikipagkaibigan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Batac at lungsod ng Cagayan De Oro matapos nilagdaan ng local chief executives ng bawat lungsod ang memorandum of agreement na nakapalooban ng kanilang sisterhood cooperation. Sa isinagawang seremonya, ibinida ni Batac City Sang. Panlungsod Secretary Gladys Lagura ang bansag sa kanilang lungsod… Continue reading Pagkakaibigan ng Batac at Cagayan de Oro City, naging pormal na

Mambabatas sa DOH: Tugunan ang isyu ng ilang doktor sa pribadong ospital na tinatanggihan ang MAIP guarantee letters

Pinakikilos ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte si Health Secretary Ted Herbosa para tugunan ang isyu ng mga indigent patient. Partikular dito ang hindi aniya pagtanggap ng mga private doctors ng guarantee letter sa ilalim ng Medical Assistance for Indigent Patients o MAIP program ng Department of Health (DOH). Ayon sa Commission on Appointments (CA)… Continue reading Mambabatas sa DOH: Tugunan ang isyu ng ilang doktor sa pribadong ospital na tinatanggihan ang MAIP guarantee letters

Kaso ng pagpaslang sa isang broadcaster sa Misamis Occidental, iniimbestigahan na rin ng CHR

Nagkasa na rin ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa kaso ng pamamaslang sa radio broadcaster sa Misamis Occidental na si Juan Jumalon o mas kilala bilang ‘DJ Johnny Walker.’ Sa isang pahayag, sinabi ng komisyon na agad naglunsad ang kanilang field office sa Northern Mindanao ng Quick Response Operation para sa… Continue reading Kaso ng pagpaslang sa isang broadcaster sa Misamis Occidental, iniimbestigahan na rin ng CHR

DA, nakatutok na sa napaulat na tumataas na presyo ng bigas sa merkado

Naka-monitor na ang Department of Agriculture (DA) sa napaulat na tumataas na presyo ng bigas sa merkado. Sa pag-iikot ng RP1 team sa Murphy Market sa Cubao, kinumpirma ng ilang rice retailer na tumaas ang kuha nila sa kanilang supplier sa Bulacan kaya napilitan din silang magtaas ng presyo ng paninda. Naglalaro sa ₱2-₱4 ang… Continue reading DA, nakatutok na sa napaulat na tumataas na presyo ng bigas sa merkado

Naideklara na ang libingan ni Sheikh Karimul Makhdum sa Sibutu, Tawi-Tawi bilang isang National Historical Shrine

Personal na pinuntahan ni National Historical Commission of the Philippines, Chairman Dr. Emmanuel Franco Clairo PhD, ang libingan ni Sheikh Karimul Makhdu, upang pasinayaan ang historical marker at maideklara bilang isang National Historical Shrine, na matatagpuan sa bayan ng Sibutu. Si Shiekh Karimul Makhdum, ay isa sa Arab Missionaries, na nagdala ng relihiyong Islam sa… Continue reading Naideklara na ang libingan ni Sheikh Karimul Makhdum sa Sibutu, Tawi-Tawi bilang isang National Historical Shrine

Nagsimula ng tumanggap ng kanilang bayad, ang mahigit 1,400 na mga gurong nagsilbi sa BSK Elections sa lungsod ng Legazpi

Sinabi ni Atty. Connie Del Castillo, Comelec Officer sa lungsod ng Legazpi, na nagsimula ng magbayad ang komisyon sa mga gurong nagsilbi sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections Sa SM City Legazpi kahapon hanggang bukas, araw ng Miyerkules.  Mahigit sa isang libo at apat na raang mga guro, ang nagsilbi sa katatapos na… Continue reading Nagsimula ng tumanggap ng kanilang bayad, ang mahigit 1,400 na mga gurong nagsilbi sa BSK Elections sa lungsod ng Legazpi

Mahigit 3K barangay sa Bicol, isinailalim ng DSWD at DILG sa pagsasanay tungkol sa Enhaced Participatory Barangay Development Planning

Isinailalim sa pagsasanay ang nasa tatlong libo isang raan at anim (3,106) na barangay sa isang raan at anim (106) na munisipalidad sa rehiyon Bicol patungkol sa Enhanced Participatory Barangay Development Planning (EPBDP) kamakailan. Ang naturang aktibidad ay pinondohan ng aabot sa mahigit P30.9M at naisakatuparan sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development… Continue reading Mahigit 3K barangay sa Bicol, isinailalim ng DSWD at DILG sa pagsasanay tungkol sa Enhaced Participatory Barangay Development Planning

2024 Proposed National Budget, sisimulan nang talakayin sa plenaryo ng Senado

Magsisimula na bukas ang plenary deliberations ng Senado para sa 2024 General Appropriations Bill (GAB). Matapos ang all-senators caucus kahapon, ibinahagi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na ngayong araw ay ipepresenta ni Senate Committee on Finance Chair Senador Sonny Angara ang kanilang bersyon ng Panukalang Pambansang Pondo. Sa Miyerkules naman ay sisimulan na aniya… Continue reading 2024 Proposed National Budget, sisimulan nang talakayin sa plenaryo ng Senado

Pagpapasinaya ng pinakamalaking EDCA project sa bansa, pinangunahan ni DND Sec. Teodoro

Pinangunahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro at US Deputy Chief of Mission to the Philippines Robert Ewing ang Dedication Ceremony ng bagong-kumpuning Basa Airbase Runway, sa Floridablanca, Pampanga kahapon. Ang ₱1.3-bilyong pisong proyekto ang pinakamalaking Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) project sa bansa. Kabilang sa mga natatanging panauhin sa aktibidad sina… Continue reading Pagpapasinaya ng pinakamalaking EDCA project sa bansa, pinangunahan ni DND Sec. Teodoro