Online employer portal ng SSS, sumailalim sa system enhancement

Nag-abiso ang Social Security System (SSS) na hindi muna magiging accessible ang My.SSS Employer portal nito na ngayon ay isinasailalim sa system enhancements. Ayon sa SSS, maglalagay na kasi ito ng email OTP (One Time Pin) functionality sa naturang online portal upang masigurong mas magiging ligtas ang transaksyon dito. Kasunod nito, humingi naman ito ng… Continue reading Online employer portal ng SSS, sumailalim sa system enhancement

CALAX Silang (Aguinaldo) Interchange, bukas na sa mga motorista simula ngayong araw

Maaari nang makadaan ang mga motorista sa bagong bukas na Cavite-Laguna Expressway (CALAX) Silang (Aguinaldo) Interchange ngayong araw. Magbibigay-daan ito sa mas mabilis na ruta sa Silang at Tagaytay City. Ayon sa concessionaire ng CALAX na MPCALA Holdings Inc. (MHI), libre ang 3.9-kilometer exit hangga’t hindi naglalabas ng abiso ang pamunuan nito. Inaasahang daraan sa… Continue reading CALAX Silang (Aguinaldo) Interchange, bukas na sa mga motorista simula ngayong araw

Kamandag Exercise ng Philippine at US Marine Corps, aarangkada sa Huwebes

Sisimulan na ngayong Huwebes, November 9 ang ikapitong pagdaraos ng Kamandag Joint Exercise ng US Marine Corps na tatagal hanggang November 20. Ang Kamandag ay taunang pagsasanay ng dalawang pwersa na hango sa katagang Tagalog na “Kaagapay ng mga Mandirigma ng Dagat.” Ito ay naglalayong mapahusay ang multinational military readiness, interoperability, partnership, at mutual capabilities… Continue reading Kamandag Exercise ng Philippine at US Marine Corps, aarangkada sa Huwebes

RDO#67 Legazpi City, top one collection performer sa buong Bicol

Ayon kay Revenue District Officer Simplicio V. Cabantac Jr.  nakuha ng Revenue District Office #67 sa lungsod ng Legazpi, ang pagiging Top One Collection Performer sa Buwan ng September 2023, kumpara sa ibang revenue district offices sa rehiyon, gaya ng Talisay Camarines Norte, Naga, Iriga, pawang sa Camarines Sur, Sorsogon, Masbate, at Virac, Catanduanes. Lahad… Continue reading RDO#67 Legazpi City, top one collection performer sa buong Bicol

Panukalang 2024 National Budget, naipresenta na sa plenaryo ng Senado

Prinesenta na ni Senate Committee on Finance chairman Senador Sonny Angara sa plenaryo ng Senado ang panukalang P5.768 trillion na panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon. Ayon kay Angara, ang halagang ito ay katumbas ng 20 percent ng kabuuang ekonomiya o gross domestic product (GDP) ng ating bansa. Mas malaki rin ito ng… Continue reading Panukalang 2024 National Budget, naipresenta na sa plenaryo ng Senado

VP Sara, malugod na tinatanggap ang pagkakataong talakayin ang legalidad ng paglilipat ng P125-M confidential funds ng OVP

Malugod na tinatanggap ni Vice President Sara Z. Duterte ang pagkakataong talakayin ang legalidad ng paglilipat ng P125 million confidential funds. Ito ay matapos na maghain ng petisyon sa Korte Suprema ngayong araw ang grupo ng mga abogado upang maideklarang unconstitutional ang paglilipat ng confidential fund sa OVP noong 2022. Ayon naman kay VP Sara,… Continue reading VP Sara, malugod na tinatanggap ang pagkakataong talakayin ang legalidad ng paglilipat ng P125-M confidential funds ng OVP