Decamped evacuees sa Camalig, patuloy na nakakatanggap ng tulong

Patuloy pa rin na nakakatanggap ng tulong ang nasa 1,187 na pamilya na una nang pinauwi sa kani-kanilang mga tahanan mula sa Bayan ng Camalig na apektado ng Bulkang Mayon. Ayon sa Camalig Public Information Office, nagbigay ang EDUCO Philippines ng relief package na may laman ng food at non-food items para sa mga residente… Continue reading Decamped evacuees sa Camalig, patuloy na nakakatanggap ng tulong

Mga ani ng mga magsasaka, ipinapanukalang gamitin sa school feeding program

Ipinanukala ni Davao 1st District Representative Paolo Duterte ang pagmamandato sa national at local government na bilhin ang mga local produce ng ating mga magsasaka, para sa proposed mandatory feeding program sa mga public school sa bansa. Ito ay upang i-promote ang agricultural sector at panatilihin ang livelihood ng local farmers. Ayon sa mambabatas, backbone… Continue reading Mga ani ng mga magsasaka, ipinapanukalang gamitin sa school feeding program

Paglago ng ekonomiya ng bansa, ikinatuwa ng NEDA

Paiigtingin pa ng pamahaalaan ang mga hakbang nito para mapanatili ang malagong ekonomiya ng bansa. Ito naman ang pahayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) makaraang maitala ang 5.9 percent na paglago ng Gross Domestic Product o GDP nitong ikatlong quarter ng taon. Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, target nila na maabot ang… Continue reading Paglago ng ekonomiya ng bansa, ikinatuwa ng NEDA

Albay solon, pinuri ang pagkaka-aresto sa mga miyembro ng SBSI

Ikinalugod ni Albay Representative Edcel Lagman ang pagkaka-aresto ni Jay Rence Quilario o mas kilala bilang si Senior Agila at 12 iba pang opisyal at miyembro ng Socorro Bayanihan Services Incorporated (SBSI). Kasunod na rin ito ng pagsasampa ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) ng Qualified Trafficking in Persons, Facilitation and Solemnization of… Continue reading Albay solon, pinuri ang pagkaka-aresto sa mga miyembro ng SBSI

Natatanging kabayanihan ng mga OFW na naipit sa gulo sa pagitan ng Israel at Hamas, kinilala ng Kamara

Dalawang magkahiwalay na resolusyon ang pinagtibay ng Mababang Kapulungan na kumikilala sa kabayanihan ng Pinoy migrant workers sa Israel sa gitna ng kaguluhan doon. Una rito ang House Resolution 1434, na kumikilala sa ‘exemplary heroism at bravery’ ni Camille Figueras Jesalva. Iniligtas ng 31 taong gulang na overseas Filipino worker (OFW) ang buhay ng kanyang… Continue reading Natatanging kabayanihan ng mga OFW na naipit sa gulo sa pagitan ng Israel at Hamas, kinilala ng Kamara

Kaso laban sa 3 suspek sa pagpatay sa broadcaster mula Misamis Occidental, resesolbahin sa loob ng 10 araw

Tiniyak ng Office of the Provincial Prosecutor ng Misamis Occidental na gagawin nilang prayoridad ang kasong inihain ng Police Regional Office (PRO) 10 laban sa tatlong suspek sa pagpatay sa broadcaster na si Juan Jumalon. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, nagbigay ng commitment ang Provincial Prosecutor na reresolbahin nila… Continue reading Kaso laban sa 3 suspek sa pagpatay sa broadcaster mula Misamis Occidental, resesolbahin sa loob ng 10 araw

MERALCO, may dagdag singil sa kuryente ngayong buwan

Inanunsiyo ng Manila Electric Company (MERALCO) na magpapatupad sila ng dagdag-singil sa kuryente para sa buwan ng Nobyembre. Batay sa abiso ng MERALCO, P0.23 kada kilowatt hour ang magiging dagdag dulot ng mas mataas na transmission charge, kaya’t P0.12 kada kilowatt hour ang aasahang magiging dagdag sa monthly bill ng mga residential customer. Ayon sa… Continue reading MERALCO, may dagdag singil sa kuryente ngayong buwan

40 Pilipino na nakatawid na sa border ng Egypt, posibleng makauwi na sa bansa bukas — DFA

Posibleng makabalik na bukas sa bansa ang 40 Pilipino na nailikas mula sa Gaza Strip at nakatawid sa Rafah crossing. Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers Eduardo de Vega, sa ngayon ay nasa Embahada na ng Pilipinas sa Cairo ang mga kababayan natin at hinihintay na lamang ang kanilang ticket pauwi. Bukod dito, may… Continue reading 40 Pilipino na nakatawid na sa border ng Egypt, posibleng makauwi na sa bansa bukas — DFA

Pagkakalagay sa ikatlong best performing cabinet official, ikinatuwa ni DOTr Sec. Jaime Bautista

Nangako si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na pag-iibayuhin pa nito ang kaniyang trabaho para sa pagtataguyod ng ligtas, maginhawa, at angkop na sistema ng transportasyon sa bansa Ito ang pahayag ni Bautisa makaraang malagay siya sa ikatlong puwesto sa best performing cabinet secretaries ng Administrasyong Marcos Jr., batay sa pinakahuling survey ng… Continue reading Pagkakalagay sa ikatlong best performing cabinet official, ikinatuwa ni DOTr Sec. Jaime Bautista

Office of the Vice President, ‘di na manghihingi ng confidential fund para sa susunod na taon

Iaatras na ng Office of the Vice President (OVP) ang paghiling nito ng confidential fund para sa susunod na taon. Sa plenary deliberations ng Senado para sa panukalang pondo ng OVP, natanong ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang tungkol sa confidential fund ng OVP. Bilang tugon, binasa ni Senate Committee on Finance Chairperson Sonny… Continue reading Office of the Vice President, ‘di na manghihingi ng confidential fund para sa susunod na taon