Bentahan ng manok sa Marikina City Public Market, nananatiling matumal kahit sapat ang suplay

Hindi pa ramdam ng mga nagtitinda ng manok sa Marikina City Public Market ang Kapaskuhan. Ito’y dahil sa nananatiling matumal ang bentahan ng manok kahit pa mayroon namang sapat na suplay nito. Ayon sa ilang nagtitinda ng manok, hindi pa sila makabawi sa kanilang kapital dahil kakaunti lamang ang namimili sa ngayon. Nagkakahalaga kasi ng… Continue reading Bentahan ng manok sa Marikina City Public Market, nananatiling matumal kahit sapat ang suplay

Mga “sabit” na pasahero sa pampublikong sasakyan, ipagbabawal na sa Maynila

Inaprubahan na ang ordinansa ng Konseho ng Maynila na nagbabawal sa mga pasahero ng jeep at iba pang pampublikong sasakyan ang nakasabit. Ang City Ordinance 9003 o Bawal-sabit on public utility vehicle ordinance, ay inihain ni Manila First District Councilor Martin “Marjun” Isidro, Jr. noong Nobyembre 9, 2023 at agad itong pinagtibay ng Konseho kahapon.… Continue reading Mga “sabit” na pasahero sa pampublikong sasakyan, ipagbabawal na sa Maynila

US Ambassador, nagbigay-pugay sa mga Pilipinong beterano sa paggunita ng “US Veterans Day”

Photo by US Embassy to the Philippines FB page

Nagbigay pugay si US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson sa mga Pilipinong Beterano sa paggunita ng US Veterans Day sa Manila American Cemetery sa Fort Bonifacio, Taguig ngayong umaga. Sa kanyang mensahe, partikular na tinukoy ng ambassador ang kontribusyon ng 107-taong Filipino World War II veteran na si Mr. Valentine Untalan, na miyembro ng… Continue reading US Ambassador, nagbigay-pugay sa mga Pilipinong beterano sa paggunita ng “US Veterans Day”

Kauna-unahang pabahay project sa ilalim ng 4PH Program, target na makumpleto sa Disyembre – DHSUD

Inaasahang maitu-turn over na sa mga benepisyaryo sa Disyembre ang mga housing unit na kauna-unahan sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng pamahalaan. Ito ay matapos na inspeksyunin nina Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar at Bacolod City Mayor Albee Benitez, ang nagpapatuloy na konstruksyon… Continue reading Kauna-unahang pabahay project sa ilalim ng 4PH Program, target na makumpleto sa Disyembre – DHSUD

Group of judges in the Philippines amplify its call for environment protection, US Embassy supports

Purple Hearts Philippines in partnership with Widener University-Delaware Law School sponsored by the US Embassy to the Philippines join forces into a mission of a unique program, “In Defense of an Independent Judiciary: A Colloquium on the Rule of Law & Climate Change” that aims to combat issues on climate change. After the months and… Continue reading Group of judges in the Philippines amplify its call for environment protection, US Embassy supports

DICT Sec. Uy, sinaksihan ang paglunsad ng ‘Free Wi-Fi for All’ sa Iligan City

Sinaksihan ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Atty. Ivan John Uy ang paglunsad ng Free Wi-Fi for All (FWFA) sa City Public Plaza sa Lungsod ng Iligan noong Nobyembre 8, 2023. Ang Free Wi-Fi for All ay sakop ng Free Public Internet Access Program, ang pangunahing programa ng DICT na naglalayong padaliin… Continue reading DICT Sec. Uy, sinaksihan ang paglunsad ng ‘Free Wi-Fi for All’ sa Iligan City

Barko ng Pilipinas para sa resupply mission sa WPS, muling nakatikim ng water cannon mula sa CCG

Nabigo ang China sa panibagong tangka nito na pigilan ang resupply mission sa BRP Sierra Madre. Sa ulat ng National Task Force on West Philippine Sea kaninang 7:30 ng umaga nang harasin ng mga barko ng Chinese Coast Guard at Chinese Military Militia ang supply boats na Unaiza Mae 1 at M/L Kalayaan. Bukod sa… Continue reading Barko ng Pilipinas para sa resupply mission sa WPS, muling nakatikim ng water cannon mula sa CCG

Amyenda sa CREATE law, target aprubahan sa Kamara bago matapos ang buwan ng Nobyembre

Target tapusin ng House Ways and Means Committee ang amyenda sa CREATE Law ngayong Nobyembre at diretsong isumite sa Senado. Ito ang sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda, chair ng Komite kasunod ng pagtalakay sa ‘CREATE MORE’ na layong ayusin ang tax incentives system para makasabay sa estado ng global market at mas maging competitive.… Continue reading Amyenda sa CREATE law, target aprubahan sa Kamara bago matapos ang buwan ng Nobyembre

Kampanya kontra malnutrisyon sa mga bata, bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month ng DOH

Kaisa ng maraming ahensya ng pamahalaan, ang pagtutok sa kampanya sa malnutrisyon sa mga bata ay bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month ng Department of Health. Sa kick-off ceremony ng naturang pagdiriwang, nakiisa ang Department of Health sa pamamagitan ng Public Health Services Team ni Undersecretary Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire na ginawa sa Valenzuela… Continue reading Kampanya kontra malnutrisyon sa mga bata, bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month ng DOH

Kamara, hindi prayoridad na lumipat ng lokasyon sa ngayon

Hindi pa prayoridad sa ngayon ng Kamara na lumipat ng lokasyon. Ito ang inihayag ni House Secretary General Reginald Velasco nang matanong tungkol sa inihaing resolusyon para bumuo ng isang ad hoc committee at aralin ang paglilipat ng House of Representatives sa Taguig o BGC para mas lumapit sa Senado. Ayon kay Velasco, mas nakatuon… Continue reading Kamara, hindi prayoridad na lumipat ng lokasyon sa ngayon