Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang 100 porsyentong suporta ng PNP sa Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang pagtiyak ng PNP chief ay kasunod ng lumutang na ulat na may namumuong destabilization plot laban sa pamahalaan, na una na ring pinasinungalingan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon sa PNP chief, wala siyang nakikitang rason para magkaroon ng destabilisasyon laban sa kasalukuyang administrasyon, dahil very stable ang gobyerno.
Mabilis din aniyang kumilos ang gobyerno sa ilang mga isyu na nakaapekto sa mga pulis at sundalo, gaya ng usapin ukol sa Military, Uniformed Personnel (MUP) pension. | ulat ni Leo Sarne