Finance Sec. Diokno, nakipagpulong sa APEC Finance Ministers bago ang nakatakdang pagdalo ni Pangulong Marcos Jr. sa APEC Summit sa Estados Unidos

Nakipagpulong si Finance Secretary Benjamin Diokno sa mga Finance Minister na dumadalo ngayon ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Estados Unidos. Si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay nakatakdang umalis patungong Amerika mamayang gabi para sa APEC Leaders’ Summit. Ayon kay Diokno, ang mahalagang pagtitipon ng mga finance minister ay upang talakayin ang iba’t… Continue reading Finance Sec. Diokno, nakipagpulong sa APEC Finance Ministers bago ang nakatakdang pagdalo ni Pangulong Marcos Jr. sa APEC Summit sa Estados Unidos

Pagrebisa sa IRR ng Maharlika Investment Fund, tamang hakbang ni Pangulong Marcos Jr., ayon sa House Majority Leader

Tama lang ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na baguhin ang implementing rules and regulations (IRR) para sa Maharlika Investment Fund (MIF) upang maging compliant sa layunin ng batas. Ayon kay House Majority Leader Mannix Dalipe, may mga lumang probisyon sa IRR na hindi itinatakda ng batas na posibleng mauwi sa Constitutional… Continue reading Pagrebisa sa IRR ng Maharlika Investment Fund, tamang hakbang ni Pangulong Marcos Jr., ayon sa House Majority Leader

Mga Pulis na lumalabag sa batas trapiko, hindi kukunsintihin ng PNP

Hindi kukunsintihin ng Philippine National Police (PNP) ang sinumang pulis na lalabag sa batas trapiko. Ito ay makaraang mahuli ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ilang pulis na wala namang opisyal na lakad subalit dumaraan sa EDSA Busway. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, tulad ng… Continue reading Mga Pulis na lumalabag sa batas trapiko, hindi kukunsintihin ng PNP

DSWD, iginiit ang suporta para sa mga patapos nang 4Ps beneficiaries

Muling inulit ng Department of Social Welfare and Development ang kanilang pangako na susuportahan pa rin ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na aalis na sa programa. Sila itong nasuri bilang non-poor sa isinagawang revalidation kamakailan ng ahensya. Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez magbibigay ang ahensya ng iba pang mga… Continue reading DSWD, iginiit ang suporta para sa mga patapos nang 4Ps beneficiaries

Mga bagong halal na BSKE officials sa Valenzuela, nanumpa na sa pwesto

Pormal nang nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na barangay at SK officials sa lungsod ng Valenzuela. Pinangunahan ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian ang mass oathtaking ceremony na isinagawa sa WES Arena. Kasama rin sa dumalo rito sina DSWD Sec. Rex Gatchalian, at Sen. Win Gatchalian. Si Senate President Migz Zubiri naman ang nanguna… Continue reading Mga bagong halal na BSKE officials sa Valenzuela, nanumpa na sa pwesto

Pagpapalabas ng honoraria para sa mga guro na nagsilbi sa BSKE, ikinatuwa ng DepEd

Nagpasalamat ang Department of Education sa Commission on Elections. Ito’y para sa mabilis at napapanahong pagpapalabas ng honoraria para sa mga guro at iba pang tauhan ng edukasyon na nagsilbi nitong nakalipas na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Sa inilabas na pahayag ng DepEd ngayong araw, sinabi nito na natanggap na ng mga guro at… Continue reading Pagpapalabas ng honoraria para sa mga guro na nagsilbi sa BSKE, ikinatuwa ng DepEd

DOE, walang inaasahang brownout sa 2024; paggamit ng nuclear energy sa bansa, patuloy na isusulong

Walang inaasahang brownout ang Department of Energy sa buong Luzon, Visayas at Mindanao sa susunod na taon. Ginawa ng DOE ang pahayag sa pamamagitan ng sponsor ng panukalang 2024 budget nila na si Senador Sherwin Gatchalian sa naging plenary budget deliberations kagabi. Iprinesenta ni Gatchalian ang graph ng DOE na nagpapakitang walang inaasahang yellow o… Continue reading DOE, walang inaasahang brownout sa 2024; paggamit ng nuclear energy sa bansa, patuloy na isusulong

Dagdag na pondo para sa DMW, igigiit ng mga senador

Isinusulong ng mga senador na maibalik ang natapyas na pondo sa panukalang 2024 budget ng Department of Migrant Workers (DMW). Sa ilalim kasi ng 2024 National Expenditure Program (NEP) na mula sa ehekutibo, pinaglaanan ng P15.3 bilyon ang DMW pero nabawasan ito at naging P12.75 bilyon na lang sa inaprubahang 2024 General Appropriations Bill (GAB)… Continue reading Dagdag na pondo para sa DMW, igigiit ng mga senador

Pagpapakalat ng kamalayan hinggil sa isyu ng WPS, idinaan sa isang interactive exhibit

Pormal na binuksan ang isang interactive exhibit na tumatalakay sa usapin ng West Philippine Sea ngayong araw. Sa pangunguna ng grupong Pinoy Aksyon o Pilipino Aksyon for Governance and the Environment, binuksan ang exhibit sa isang mall sa Ortigas. May pamagat na “Not One Inch: Our Seas, Our Hope.” inilalahad dito ang mga kwento ng… Continue reading Pagpapakalat ng kamalayan hinggil sa isyu ng WPS, idinaan sa isang interactive exhibit

Ad Hoc Committee para aralin ang posibleng paglilipat ng lokasyon ng House of Representatives, binuo

Bumuo ang Kamara ng isang ad hoc committee na siyang mangunguna sa pag-aaral sa posibleng paglipat ng lokasyon ng House of Representatives. Kasunod ito ng pagpapatibay ng House Resolution 1390. Dito itinutulak ang posibleng paglipat ng HREP building sa Taguig o BGC upang mas maging malapit sa bagong building naman ng Senado para sa mas… Continue reading Ad Hoc Committee para aralin ang posibleng paglilipat ng lokasyon ng House of Representatives, binuo