Freight service para sa relief goods, pinalilibre ng isang mambabatas

Ipinapanukala ni Las Pinas Representative Camille Villa na ilibre ang freight service para sa mga relief organization na nagdadala ng emergency goods at donasyon sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity. Aniya, ang hakbang na ito ay maituturing na isang humanitarian act. Paraan na rin aniya ito ng pagtulong ng mga freight company… Continue reading Freight service para sa relief goods, pinalilibre ng isang mambabatas

UN rapporteur na nagrekomendang buwagin ang NTF-ELCAC, pinababalik sa Pilipinas

Inanyayahan ni National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) National Secretariat Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. si UN Special Rapporteur on Human rights Dr. Ian Fry na bumalik sa bansa. Sinegundahan ni Torres ang unang paanyaya ni National Security Adviser at NTF-ELCAC Vice Chairperson Secretary Eduardo Año sa UN Rapporteur… Continue reading UN rapporteur na nagrekomendang buwagin ang NTF-ELCAC, pinababalik sa Pilipinas

BSP Gov. Eli Remolona, target na ibaba sa 1% ang remittance fee na binabayaran ng mga Pinoy abroad tuwing nagpapadala sa Pilipinas

Nais ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ibaba ang remittance fee mula 5% to 1% via Bank International Settlements BIS Nexus Project. Ito ang inihayag ni BSP Governor Eli M. Remolona Jr. sa ginanap na US investors briefing. Sa ngayon kasi may 5% charge ang ipinapadalang remittance ng mga kababayang Pinoy sa Pilipinas, at… Continue reading BSP Gov. Eli Remolona, target na ibaba sa 1% ang remittance fee na binabayaran ng mga Pinoy abroad tuwing nagpapadala sa Pilipinas

Random Manual Audit sa halalan, hindi na aalisin ng Comelec 

Wala nang plano ang Commission on Elections (Comelec) na alisin ang random manual audit sa tuwing magsasagawa ng eleksyon sa bansa.  Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, mandato ito ng batas at hindi dapat mawala tuwing halalan.  Napatunayan din ng Comelec, na epektibo ang random manual audit dahil ito ang nakakapagpatunay kung tama ang… Continue reading Random Manual Audit sa halalan, hindi na aalisin ng Comelec 

Pulis na dawit sa pagkawala ng Batangas beauty queen, posibleng matanggal sa serbisyo

Posibleng matanggal sa serbisyo si Police Major Allan de Castro na itinuturing na person of interest sa pagkawala ng Ms. Grand Philippines 2023 candidate na si Catherine Camilon. Ayon kay PNP Internal Affairs Service (IAS) Inspector General Alfegar Triambulo, nahaharap ngayon sa dalawang administratibong kaso si Maj. de Castro na maaaring magresulta sa kanyang dismissal… Continue reading Pulis na dawit sa pagkawala ng Batangas beauty queen, posibleng matanggal sa serbisyo

Water Search and Rescue Training ng PCG, pansamantalang sinuspinde matapos masawi ang isa nilang tauhan

Sinuspinde muna ni Philippine Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang lahat ng mga ongoing water search and rescue training. Ito’y kasunod ng insidente ng pagkamatay ng isa nilang personnel sa kasagsagan ng kanilang pagsasanay sa Coast Guard District Palawan. Sabi ni Gavan, magsasagawa muna ng review ang PCG sa safety procedure ng Coast… Continue reading Water Search and Rescue Training ng PCG, pansamantalang sinuspinde matapos masawi ang isa nilang tauhan

AFP, binati ng DND sa matagumpay na pagdaraos ng AJEX-DAGITPA

Binati ni Department of National Defense (DND) Sr. Undersecretary Irineo Espino ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtatapos ngayong umaga ng kanilang taunang AFP Joint Exercise Dagat, Langit at Lupa (AJEX DAGIT PA). Sa kanyang mensahe sa closing Ceremony sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Espino na sigurado siyang maraming… Continue reading AFP, binati ng DND sa matagumpay na pagdaraos ng AJEX-DAGITPA

Bilang ng mga nadiskwalipikang kandidato sa BSKE, umabot na sa 39

Pumalo na sa 39 ang bilang ng mga diniskwalipika ng Commission on Election na mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election. Ito ay kahit tapos na ang halalan at naiproklama na ang mga nanalo. Pinakahuli sa dinisqualified ng Comelec ay ang 18 kandidato na inilabas ang desisyon kahapon. Karamihan sa mga dahilan ng pagkaka-disqualified… Continue reading Bilang ng mga nadiskwalipikang kandidato sa BSKE, umabot na sa 39

Housing backlog sa bansa, sinisikap nang tugunan ng NHA sa Administrasyong Marcos

Patuloy na nakatutok ang National Housing Authority sa pagbibigay ng pabahay lalo na sa mga mahihirap na pamilyang pilipino. Sa QC Journalists Forum, sinabi ni NHA Corporate Planning Department Head Cromwell Teves na tinatarget ng ahensya na makapagtayo ng isang milyong pabahay sa ilalim ng administrasyong Marcos. Kabilang sa mga priority beneficiaries sa mga pabahay… Continue reading Housing backlog sa bansa, sinisikap nang tugunan ng NHA sa Administrasyong Marcos

Sec. Galvez, nagpasalamat sa senado sa pag-apruba ng 7 bilyong “Peace Budget” ng OPAPRU

Nagpasalamat si Presidential Peace Adviser Sec. Carlito Galvez Jr. sa pag-apruba ng Senado ng halos 7 bilyong pisong “peace budget” ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU). Pinasalamatan ni Galvez si Senate President Juan Miguel Zubiri; si Sen. Ronald “Bato” De la Rosa, na nag-sponsor ng budget ng OPAPRU; Senator… Continue reading Sec. Galvez, nagpasalamat sa senado sa pag-apruba ng 7 bilyong “Peace Budget” ng OPAPRU