Umano’y pagpapatalsik kay VP Sara Duterte, babantayan — PBBM

Sa panayam ng Philippine Media delegation sa Pangulo, sinabi ng Pangulo na hindi karapat-dapat na ma-impeach ang Pangalawang Pangulo at wala siyang nakikitang dahilan upang ito ay mangyari. Hindi na aniya bagong bagay ang usaping impeachment lalo na sa mga Pangulo ng bansa na aniya’y naging ‘continuing evolution’ na. Dangan lang at napunta ito ngayon… Continue reading Umano’y pagpapatalsik kay VP Sara Duterte, babantayan — PBBM

Pasay, di magpapakalat ng vehicle assets para sa libreng sakay sakabila ng transport strike ngayong araw

Hindi magpapakalat ang Pasay City ng mga sasakyan ngayong araw sa kabila ng transport strike ng grupong PISTON. Ayon kay Jun Tadios, ang Pasay City PIO, ito ay para bigyang-daan ang mga jeepney drivers na hindi lalahok sa tigil-pasada para kumita ng pera. Sa kabila nito, mayroon naman umanong naka-standby na mga sasakyan sa Pasay… Continue reading Pasay, di magpapakalat ng vehicle assets para sa libreng sakay sakabila ng transport strike ngayong araw

Ilang LGUs sa Southern Metro Manila, nag-deploy ng libreng sakay kasabay ng transport strike

Nag-deploy ng libreng sakay ang ilang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Taguig at Muntinlupa kasabay ng transport strike ngayong araw ng Lunes, November 20, hanggang November 22, araw ng Miyerkules. Ang libreng sakay routes sa lungsod ng Muntinlupa ay nagsimula kaninang alas-5:00 ng umaga hanggang mamayang hapon — sa Alabang Viaduct-Sucat, RMT Tunasan-Alabang, South… Continue reading Ilang LGUs sa Southern Metro Manila, nag-deploy ng libreng sakay kasabay ng transport strike

143 na mga indibidwal ang dinala sa iba’t ibang pagamutan sa lalawigan ng Bukidnon dahil sa food poisoning

Umabot sa 143 na mga indibidwal ang dinala sa iba’t ibang ospital at pagamutan sa lalawigan ng Bukidnon matapos nakaranas ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka matapos kumain ng panis na bihon sa isang handaan ng kasal sa Sitio Calapat, Barangay Tagbak, Talakag, Bukidnon sa may 3:00 ng hapon, Nobyembre 18,2023. Ayon kay Kapitan… Continue reading 143 na mga indibidwal ang dinala sa iba’t ibang pagamutan sa lalawigan ng Bukidnon dahil sa food poisoning

Kilos-protesta ng PISTON sa Monumento, bantay-sarado ng Caloocan Police

Mahigpit na binantayan ng mga tauhan ng Northern Police District partikular ng Caloocan Police ang ikinakasang kilos-protesta ng grupong PISTON sa bahagi ng Monumento Circle. Ayon kay Caloocan Chief of Police Colonel Ruben Lacuesta, nananatili namang mapayapa ang isinasagawang protesta ng grupo na sinimulan kanina pang bago mag-alas-6 ng umaga. Kasama sa tinututukan ng Caloocan… Continue reading Kilos-protesta ng PISTON sa Monumento, bantay-sarado ng Caloocan Police

LTO, nanawagan ng kooperasyon sa mga ahensya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng ‘No Registration, No Travel’ policy

Umaasa ang Land Transportation Office (LTO) sa pakikipagtulungan ng iba pang ahensya ng pamahalaan sa pagpapatupad nito ng “No Registration, No Travel” policy. Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, inatasan na nito ang lahat ng regional directors na makipag-ugnayan sa mga government agencies para sa renewal ng kanilang mga sasakyan na… Continue reading LTO, nanawagan ng kooperasyon sa mga ahensya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng ‘No Registration, No Travel’ policy

Aftershocks kasunod ng magnitude 6.8 na lindol sa Davao Occidental, nagpapatuloy

Nakararanas pa rin ng aftershocks ang ilang bahagi ng Davao Region kasunod ng tumamang magnitude 6.8 na lindol sa Sarangani noong Biyernes. Ayon sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), as of 8am ay mayroon nang higit 100 aftershocks ang naitala. Nasa62 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang… Continue reading Aftershocks kasunod ng magnitude 6.8 na lindol sa Davao Occidental, nagpapatuloy

LTFRB Chair Guadiz, PISTON Pres. Mody Floranda, may dayalogo ngayong araw

Kinumpirma ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Teofilo Guadiz III na pumayag na sa isang dayalogo si PISTON Presisent Mody Floranda ngayong unang araw ng kanilang transport strike. Ayon kay Chair Guadiz, magtutungo ito sa Monumento mamayang hapon para makausap ang grupong PISTON at mapakinggan ang kanilang mga hinaing partikular sa PUV… Continue reading LTFRB Chair Guadiz, PISTON Pres. Mody Floranda, may dayalogo ngayong araw

Gale warning, nakataas sa Catanduanes

Nakataas ang gale warning o babala ng pagtaas ng alon sa Northern at Eastern Coasts ng lalawigan ng Catanduanes. Batay sa inilabas na gale warning #17 ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong umaga, Nobyembre 20, ang paglaki ng alon ay sanhi ng malakas na gale force winds na pag-iibayuhin ng umiiral… Continue reading Gale warning, nakataas sa Catanduanes

PBBM, taos-pusong nagpasalamat sa kalingang ipinagkaloob ng mga kababayan sa Hawaii sa kanilang pamilya sa panahon ng kanilang pananatili sa Hawaii matapos ang 1986 revolution

Binalikan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kabutihang loob ng mga Pinoy na kumupkop sa kanila sa Hawaii matapos ang noo’y 1986 People Power Revolution. Sa harap ng Filipino Community sa Hawaii ay taos-pusong nagpasalamat ang Chief Executive sa malasakit at pag-aalaga na ginawa sa kanila ng mga Pilipino sa Hawaii. Walang-wala aniya ang… Continue reading PBBM, taos-pusong nagpasalamat sa kalingang ipinagkaloob ng mga kababayan sa Hawaii sa kanilang pamilya sa panahon ng kanilang pananatili sa Hawaii matapos ang 1986 revolution