Resolusyon para hikayatin ang PCO na palakasin ang public awareness sa isyu sa WPS, inihain sa Senado

Naghain si Senador Robin Padilla ng isang resolusyon para hikayatin ang Presidential Communications Office (PCO) na palakasin ang public awareness tungkol sa isyu sa West Philippine Sea (WPS). Ayon sa chairman ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, layon nitong kontrahin ang banta mula sa mga propaganda, misinformation at fake news tungkol sa… Continue reading Resolusyon para hikayatin ang PCO na palakasin ang public awareness sa isyu sa WPS, inihain sa Senado

Malawakang talakayan sa Senado tungkol sa isyu ng abortion at diskriminasyon, giniit ni Senador Alan Peter Cayetano

Nanawagan si Senador Alan Peter Cayetano na magkaroon ng malawakan at patas na talakayan sa committee level ng senado kasama ang Commission on Human Rights (CHR) tungkol sa mga isyu tulad ng abortion at anti-discrimination bill. Ginawa ni Cayetano ang pahayag matapos ang ilang ulit nang pagkakaroon ng mainit na talakayan sa plenaryo ng Senado… Continue reading Malawakang talakayan sa Senado tungkol sa isyu ng abortion at diskriminasyon, giniit ni Senador Alan Peter Cayetano

MMDA, ipatutupad pa rin ang number coding scheme bukas sa kabila ng  tigil pasada ng grupong PISTON at Manibela

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi nito sususpindihin ang number coding scheme bukas. Ito ay sa kabila ng isasagawang tigil-pasada ng grupong Manibela at PISTON. Ayon sa abiso ng MMDA, tuloy pa rin ang implementasyon ng number coding scheme bukas mula 7AM hanggang 10AM at 5PM hanggang 8PM. Sa ilalim ng naturang… Continue reading MMDA, ipatutupad pa rin ang number coding scheme bukas sa kabila ng  tigil pasada ng grupong PISTON at Manibela

CHR, pinagsabihang ng mga senador dahil sa isyu ng SOGIE bill

Muling kinastigo ng mga senador ang Commission on Human Rights (CHR) sa deliberasyon ng kanilang panukalang budget sa Senado. Sa pagkakataong ito naman ay napagsabihan ang CHR kaugnay sa sinasabing petisyon ng komisyon para kay Senate Majority Joel Villanueva upang agad nang ipasa ang SOGIE Equality bill. Sa deliberasyon, ipinakita ni Villanueva ang video clip… Continue reading CHR, pinagsabihang ng mga senador dahil sa isyu ng SOGIE bill

Philippine Red Cross, nangakong ipagpapatuloy ang pagtulong sa mga komunidad na napinsala ng Bagyong Yolanda

Sampung taon makalipas ang paghagupit ng Bagyong Yolanda, nangako ang Philippine Red Cross (PRC) na ipagpapatuloy nito ang pagtulong sa mga komunidad na nasalanta ng Bagyong Yolanda. Ayon kay PRC Secretary General Dr. Gwen Pang, patuloy ang paghahatid ng mga intervention program ng PRC sa mga lugar na naapektuhan ng naturang bagyo. Kaugnay nito ay… Continue reading Philippine Red Cross, nangakong ipagpapatuloy ang pagtulong sa mga komunidad na napinsala ng Bagyong Yolanda

Isang lalaki, umakyat sa poste ng Meralco sa Barangay Calumpang, Marikina City

Halos pitong oras na at hindi pa rin bumababa itong isang lalaki na umakyat sa poste ng Meralco ang isang lalaki dito sa Pambuli Street corner Old J.P Rizal Street sa Barangay Calumpang sa Marikina City. Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay Marikina City Chief of Police Col. Earl Castillo, sinabi nito isang palaboy itong… Continue reading Isang lalaki, umakyat sa poste ng Meralco sa Barangay Calumpang, Marikina City

Philippine Red Cross, naghatid ng tulong sa mga pamilya na apektado ng masamang panahon sa Luzon at Visayas

Walang patid ang pagbibigay ng tulong ng Philippine Red Cross sa mga pamilya na apektado ng low pressure area (LPA) at ng shearline nitong weekend sa Eastern sections ng Luzon at Visayas. Kaugnay nito ay naghatid ang PRC Northern Samar Chapter ng hot meals sa 153 na mga individual, nagtayo rin ng welfare desk at… Continue reading Philippine Red Cross, naghatid ng tulong sa mga pamilya na apektado ng masamang panahon sa Luzon at Visayas

ERC, binigyang halaga ang pagsusulong ng paggamit ng renewable energy sa Pilipinas sa ginanap na Mindanao Clean Energy Forum 2023

Sa katatapos na Mindanao Clean Energy Forum 2023 and Renewable Energy (RE) Congress na ginanap sa Acacia Hotel, Davao City, Davao del Sur. Binigyang diin ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson and CEO Monalisa Dimalanta ang kahalagahan ng paggamit ng renewable energy sa bansa. Sa mensahe ni Dimalanta, sinabi nitong positibo siyang makakamit ang target… Continue reading ERC, binigyang halaga ang pagsusulong ng paggamit ng renewable energy sa Pilipinas sa ginanap na Mindanao Clean Energy Forum 2023

DMW at US Labor Department, nagpulong upang paigtingin ang pagtutulungan sa sektor ng trabaho

Nagpulong ang Department of Migrant Workers (DMW) at US Labor Department upang talakayin ang pagpapaigting sa pagtutulungan sa sektor ng trabaho. Sa kaniyang official visit, nakipagpulong si DMW Undersecretary Patricia Caunan kay Wage and Hour Division District Director Kimchi Bui sa Los Angeles, California. Ayon kay Caunan, naging produktibo ang kaniyang pulong sa US Labor… Continue reading DMW at US Labor Department, nagpulong upang paigtingin ang pagtutulungan sa sektor ng trabaho

Senador Sherwin Gatchalian, itinanggi ang anumang koneksyon sa isang grupo ng mga mambubudol na naaresto ng NBI

Itinanggi ni Senador Sherwin Gatchalian na mayroon siyang koneksyon o naging tauhan niya ang isang grupo ng mga mambubudol na naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI). Sa isang pahayag, mariing kinondena ng senador ang kriminal na aktibidad ng mga suspek na kinilalang sina Ryan Lester Dino, alias David Luis Tan; Carlo… Continue reading Senador Sherwin Gatchalian, itinanggi ang anumang koneksyon sa isang grupo ng mga mambubudol na naaresto ng NBI