Pagkakaroon ng permanent secretariat ng Asia Pacific Parliamentary Forum, posibleng maisapinal sa susunod na pulong sa 2024

Positibo ang pagtanggap ng mga delegado ng Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF) sa proposal ng Pilipinas na magkaroon ng isang permanenteng secretariat ang APPF. Sa katatapos lang na pulong ng mga legislators sa Asia Pacific itinulak ni Speaker Martin Romualdez ang pagkakaroon ng permanent secretariat gaya ng sa ASEAN para aniya sa stability. Katunayan, in-offer… Continue reading Pagkakaroon ng permanent secretariat ng Asia Pacific Parliamentary Forum, posibleng maisapinal sa susunod na pulong sa 2024

Higit ₱53-M ayuda, naihatid na ng DSWD sa mga apektado ng Davao Occidental quake

Nakatutok pa rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbibigay ayuda sa lalawigang naapektuhan ng tumamang Magnitude 6.8 na lindol sa Davao Occidental kamakailan. Ayon sa DSWD, umakyat pa sa higit ₱53-million ang naipaabot nitong tulong sa 120 apektadong barangays sa Davao Region at SOCCSKSARGEN. Kabilang rito ang family food packs at… Continue reading Higit ₱53-M ayuda, naihatid na ng DSWD sa mga apektado ng Davao Occidental quake

PNP-CIDG, wala pang nakikitang ‘proof of life’ sa nawawalang si Ms Catherine Camilon

Walang pang nakikitang proof of life ang PNP CIDG4A sa nawawalang beauty pageant contestant na si Ms Catherine Camilon. Ayon sa pabatid ng CIDG-4A, ginagawa ng ahensya ang lahat upang makita at maibalik si Ms Catherine buhay man o patay. Samantala, inihayag ng CIDG4A na kailangan din na isailalim sa DNA test ang suspek na… Continue reading PNP-CIDG, wala pang nakikitang ‘proof of life’ sa nawawalang si Ms Catherine Camilon

Suporta sa gobyerno, hiling ni VP Sara sa mga Pangasinese sa naging pagbisita nito sa lalawigan

Suporta sa gobyerno. Ito ang unang hiling ni Vice President Sara Duterte sa mga Pangasinense sa naging pagbisita nito sa lalawigan ng Pangasinan upang pangunahan ang Office of The Vice President Gift-giving sa bayan ng Binalonan at lungsod ng Urdaneta. Sa naging mensahe ni VP Sara, hinimok nito ang mga residente na ibigay ang suporta… Continue reading Suporta sa gobyerno, hiling ni VP Sara sa mga Pangasinese sa naging pagbisita nito sa lalawigan

Panggugulo ng isang pulis sa isang bar sa QC, kinondena ni Mayor Joy Belmonte

Mariing kinondena ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang napaulat na insidente ng karahasan na kinasangkutan ng dating hepe ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) na si Police Lieutenant Colonel Mark Julio Abong. Sa ulat ng QCPD, naaresto si Abong noong linggo ng madaling araw matapos sunggaban ang necktie ng isang… Continue reading Panggugulo ng isang pulis sa isang bar sa QC, kinondena ni Mayor Joy Belmonte

Amnestiya ng Pangulo sa mga rebeldeng grupo, welcome sa PNP

Malugod na tinanggap ng Philippine National Police (PNP) ang idineklarang amnestiya ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga rebeldeng grupo. Ayon kay PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, ito ang tunay na hangarin ng gobyerno kaya’t itinatag ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Pahayag… Continue reading Amnestiya ng Pangulo sa mga rebeldeng grupo, welcome sa PNP

Joint maritime patrol sa WPS ng AFP at Australian Defense Force, walang untoward incident

Walang untoward incident na iniulat sa unang dalawang araw ng tatlong araw na Joint Maritime Cooperative Activity sa West Philippine Sea sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Australian Defense Force (ADF). Ang aktibidad na nagsimula noong Sabado ay kasunod ng unang 3-araw na Joint Maritime Activity ng AFP at U.S. Indo-Pacific… Continue reading Joint maritime patrol sa WPS ng AFP at Australian Defense Force, walang untoward incident

Pagpatay ng NPA sa isang magsasaka sa araw na pinagkalooban sila ng amnestiya ng Pangulo, kinondena ng NTF-ELCAC

Mariing kinondena ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang walang-awang pagpatay ng New People’s Army sa isang magsasaka sa Zamboanga sa mismong araw na idineklara ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang amnestiya para sa lahat ng rebeldeng grupo. Ayon kay NTF-ELCAC National Secretariat Executive Director Undersecretary Ernesto Torres… Continue reading Pagpatay ng NPA sa isang magsasaka sa araw na pinagkalooban sila ng amnestiya ng Pangulo, kinondena ng NTF-ELCAC