Philippine Army Shooting Contingent, nagtapos sa ikatlong pwesto sa ASEAN Rifle Meet

Nagtapos sa ikatlong pwesto ang Philippine Army Shooting Contingent (PASCON) sa 10 bansang lumahok sa 31st Association of Southeast Asian Nations Armies Rifle Meet (AARM). Ang paligsahan na pinangasiwaan ng Royal Thai Army ay idinaos sa Infantry Training Center, Fort Thanarat, Pran Buri District, Prachuap Khiri Khan, Thailand nitong Nobyembre 16 hanggang 25. Binati ni… Continue reading Philippine Army Shooting Contingent, nagtapos sa ikatlong pwesto sa ASEAN Rifle Meet

Serye ng karahasan at krimen sa kasagsagan ng 2023 BSKE, pinaiimbestigahan

Nais ng isang mambabatas na magkasa ng pagsisiyasat ang Kamara kaugnay sa naitalang mga kaso ng karahasan, at iba pang krimen na nangyari sa kasagsagan ng 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE. Sa ilalim ng House Resolution 1497 ni Quezon Rep. David “Jay-Jay” Suarez, hinihiling sa House Committee on Good Government and Public… Continue reading Serye ng karahasan at krimen sa kasagsagan ng 2023 BSKE, pinaiimbestigahan

Masigasig na pagtugon ng BJMP sa jail congestion, pinuri ni DILG Sec. Abalos

Pinuri ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang patuloy na hakbang ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para mapaluwag ang mga pinangangasiwaan nitong kulungan sa bansa. Kasunod ‘yan ng ulat mula sa BJMP na 74,590 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang nakalaya na mula Enero hanggang nitong Oktubre ng taon. Ayon… Continue reading Masigasig na pagtugon ng BJMP sa jail congestion, pinuri ni DILG Sec. Abalos

Bilang ng mga motoristang lumalabag sa EDSA Busway, nabawasan na — MMDA

Kumbinsido ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na naging epektibo ang pinahigpit na polisya nito sa EDSA Busway para mabawasan ang mga pasaway na motorista. Mula kasi nang ipatupad ang mas malaking multa sa mga hindi awtorisadong dumaan sa bus lane ay malaki na rin ang nabawas sa bilang ng mga nahuhuli at natitiketan. Sa… Continue reading Bilang ng mga motoristang lumalabag sa EDSA Busway, nabawasan na — MMDA

Apektado ng masamang panahon sa ilang rehiyon, higit 1.1-M indibidwal na — NDRRMC

Umabot na sa 285,159 pamilya o 1,155,465 indibidwal ang bilang ng mga naapektuhan ng masamang panahon dulot ng shear line at low pressure area (LPA). Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Martes, Nobyembre 28. Nagmula ang mga apektadong residente sa 1,529 barangays sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western… Continue reading Apektado ng masamang panahon sa ilang rehiyon, higit 1.1-M indibidwal na — NDRRMC

Import clearances sa bigas, nirerebyu na ng Bureau of Plant Industry

Kasunod ito ng napaulat na malaking bilang pa ng imported na bigas ang hindi dumadating sa bansa. Ayon kay BPI Director Glenn Panganiban, regular na nirerebyu nila ang mga aplikasyon ng mga importer upang masiguro na nagagamit ito ng tama. Nagsasagawa na ng review ang Bureau of Plant Industry sa mga inisyu nitong import permit… Continue reading Import clearances sa bigas, nirerebyu na ng Bureau of Plant Industry

Bagong Special Ops Group-Strike Force, inilunsad ng MMDA

Mas pinaigting ngayon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang operasyon nito sa EDSA Busway sa tulong ng inilunsad na bagong Special Operations Group-Strike Force. Ito’y matapos i-restructure ang New Task Force Special Operations and Anti-Colorum Unit na pinangunahan noon ni Colonel Bong Nebrija na suspendido sa ngayon. Pangangasiwaan ni MMDA Overall Head Assistant General… Continue reading Bagong Special Ops Group-Strike Force, inilunsad ng MMDA

Training regulation para sa child development workers ng TESDA, pinanukalang mapondohan sa ilalim ng 2024 Budget

Ibinahagi ni Senador Sherwin Gatchalian na sa ilalim ng panukalang 2024 Budget ay imamandato sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pagkakaroon ng training regulation para sa mga child development workers (CDWs). Ito ay matapos aniyang tanggapin ng Senate Committee on Finance ang panukala niyang maglagay ng special provision sa 2024 General Appropriations… Continue reading Training regulation para sa child development workers ng TESDA, pinanukalang mapondohan sa ilalim ng 2024 Budget

Sen. Lito Lapid sa pamahalaan: Paigtingin ang kampanya vs. agriculture smuggling

Nanawagan si Senador Lito Lapid sa pamahalaan na paigtingin pa ang kampanya laban sa smuggling ng mga produktong pang-agrikultura gaya ng sibuyas, bawang, carrots, at bigas, lalo na ngayong Christmas season. Ginawa ng senador ang pahayag matapos ang konsultasyon niya sa mga magsasaka ng La Trinidad, Benguet kung saan pinabatid sa kanya ng mga magsasaka… Continue reading Sen. Lito Lapid sa pamahalaan: Paigtingin ang kampanya vs. agriculture smuggling

Publiko, pinag-iingat ng PNP vs. online shopping scam ngayong Kapaskuhan

Nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko laban sa online shopping scam lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan. Ito’y ayon sa PNP, makaraang lumabas sa pag-aaral ng Asia Scam Report 2023 na ang Pilipinas ay may pinakamataas na kaso ng Online Shopping Scam sa Asya. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col.… Continue reading Publiko, pinag-iingat ng PNP vs. online shopping scam ngayong Kapaskuhan