Peace negotiations ng pamahalaan at NDF, panibagong simula — Sec. Galvez

Hindi pagpapatuloy ng dating naudlot na usapang pangkapayapaan ang napagkasunduang peace negotiations sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front, bagkus ito ay panibagong simula. Ito ang binigyang diin ni Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. sa kanyang mensahe sa Leadership Summit ng Armed Forces of… Continue reading Peace negotiations ng pamahalaan at NDF, panibagong simula — Sec. Galvez

Muling pagkakabilang ng Pilipinas sa International Maritime Organization, ikinakampanya ng DOTr

Tiwala ang Department of Transportation (DOTr) na mapananatili ng Pilipinas ang puwesto nito sa International Maritime Organization o IMO. Ito ang inihayag ni Transportation Sec. Jaime Bautista kasunod ng nagpapatuloy na 33rd IMO Assembly sa London kung saan inaasahang itataguyod dito ang Strategic Plan para sa mga taong 2024 hanggang 2029. Ayon sa Kalihim, mahalaga… Continue reading Muling pagkakabilang ng Pilipinas sa International Maritime Organization, ikinakampanya ng DOTr

SSS at Quirino Memorial Medical Center, magtutulungan para sa social security protection ng mga manggagawa sa ospital

Ilulunsad na rin ang KaSSSangga Collect Program ng Social Security System o SSS sa Quirino Memorial Medical Center. Kasunod ito ng paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng SSS at ng QMMC para sa pagarangkada ng programa sa naturang ospital. Pinangunahan ngayong umaga nina SSS Branch Operations Sector Exec. VP Atty. Voltaire Agas,… Continue reading SSS at Quirino Memorial Medical Center, magtutulungan para sa social security protection ng mga manggagawa sa ospital

Bataan-Cavite Interlink Bridge Project, pinaghahandan ng DPWH

Pinaghahandaan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga kinakailangan para sa gagawing Bataan-Cavite Interlink Bridge (BCIB) Project. Isa ang BCIB Project sa mga infrastructure flagship projects (IFPs) ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ilalim ng programang “Build Better More.” Alinsunod sa tagubilin ng Pangulo sa BCIB Milestones Ceremony… Continue reading Bataan-Cavite Interlink Bridge Project, pinaghahandan ng DPWH

Tauhan ng OTS na nagbalik ng naiwang gadget ng isang pasahero sa paliparan, pinapurihan

Kinilala ng Office for Transportation Security ang ipinakitang katapatan ng mga tauhan nito matapos isauli ang naiwang kagamitan ng isang pasahero sa paliparan. Batay sa ulat ng OTS, nangyari ang magkakahiwalay na insidente mula Nobyembre 15 hanggang 22 ng taong kasalukuyan. Nobyembre 15 nang isauli ng Security Screening Officer na si Reyster Nuñez at checkpoint… Continue reading Tauhan ng OTS na nagbalik ng naiwang gadget ng isang pasahero sa paliparan, pinapurihan

Pagtaas ng respiratory illness sa Northern China, hindi dapat ikabahala dito sa Pilipinas — DOH

Pinawi ng Department of Health ang pangamba ng publiko kaugnay sa tumataas na kaso ng respiratory illness sa Northern China. Ayon sa DOH, walang kinalaman sa COVID-19 ang pagtaas ng bilang ng mga Tsino na nagkakasakit bagkus ito ay dahil sa malamig na panahon na nararanasan sa Hilagang bahagi ng China. Nakipag-ugnayan na sila sa… Continue reading Pagtaas ng respiratory illness sa Northern China, hindi dapat ikabahala dito sa Pilipinas — DOH

Progressive solon, ikinalugod ang pagbuhay sa peace negotiations sa pagitan ng gobyerno at NDFP

Positibo ang pagtanggap ni House Deputy Minority Leader France Castro sa muling pagbuhay ng pamahalaan sa peace negotiations kasama ang National Democratic Front of the Philippines. Aniya, magandang hakbang ito upang tugunan ang mga hamon at suliranin kabilang ang isyung pangkalikasan at foreign security threats. Welcoma para sa mambabatas na makalipas ang anim na taon… Continue reading Progressive solon, ikinalugod ang pagbuhay sa peace negotiations sa pagitan ng gobyerno at NDFP

Muling pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan, CPP-NPA at NDF, makatutulong sa pagpapatatag ng ekonomiya — NEDA

Kumpiyansa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na maaabot ng Pilipinas ang pangarap nitong maging isang matatag kung makakamit ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa. Ito ang inihayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan matapos i-anunsyo ng Office of the Presidential Adviser on the Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang Joint Communique sa pagitan ng pamahalaan… Continue reading Muling pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan, CPP-NPA at NDF, makatutulong sa pagpapatatag ng ekonomiya — NEDA

Mga opisyal ng dalawang kumpanya ng e-cigarette na sangkot umano sa pagpupuslit, pinapaharap sa Kamara

Ipina-subpoena ng House Committee on Ways and Means ang dalawang opisyal ng mga kumpanya ng e-cigarette na konektado umano sa higit P1.4 billion na halaga ng smuggled e-cigarettes na nasabat sa Valenzuela City noong Oktubre. Sa mosyon ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na siya ring naghain ng resolusyon para paimbestigahan ang insidente, pinapaharap… Continue reading Mga opisyal ng dalawang kumpanya ng e-cigarette na sangkot umano sa pagpupuslit, pinapaharap sa Kamara

Ilang kalsada sa Caloocan, isasara bilang paghahanda sa paggunita ng Bonifacio Day

Naglabas na ng abiso sa mga motorista ang Caloocan City LGU bilang paghahanda sa mga aktibidad na nakalatag sa paggunita nito ng Bonifacio Day sa darating na Huwebes, November 30. Batay sa traffic advisory nito, simula mamayang alas-11 ng gabi ay isasara na muna sa mga motorista ang Monumento Circle, MacArthur Highway (after Calle Uno),… Continue reading Ilang kalsada sa Caloocan, isasara bilang paghahanda sa paggunita ng Bonifacio Day