Pagsulong ni Sen. Bato ng hakbang na gawing krimen ang NPA recruitment sa mga paaralan, suportado ng NTF-ELCAC

Suportado ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang hakbang na isinusulong ni Sen. Ronald Bato dela Rosa na gawing kriminal na kaso ang pagrerecruit ng New People’s Army sa mga paaralan. Sa hearing kahapon ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni dela Rosa, sinabi ng… Continue reading Pagsulong ni Sen. Bato ng hakbang na gawing krimen ang NPA recruitment sa mga paaralan, suportado ng NTF-ELCAC

Deputy Speaker Recto, may paglilinaw sa mga ulat na siya ang bagong Finance chief

Nagsalita na si House Deputy Speaker Ralph Recto ukol sa mga balitang siya ang susunod na kalihim ng Department of Finance o DOF. Aniya wala siyang ideya kung saan nanggaling ito. Hindi rin naman aniya sya makakapag-komento dahil ang usapin ng appointment ay desisyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. Sa ngayon aniya ay nakatutok siya… Continue reading Deputy Speaker Recto, may paglilinaw sa mga ulat na siya ang bagong Finance chief

SDS Gonzales, hiniling kay Sen. dela Rosa na magbigay ng kurtesiya sa Kamara kasunod ng mga pahayag nito laban sa ICC probe ng kapulungan

Bagamat iginagalang ang pahayag ni Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, hiniling ni House Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio Gonzales Jr. sa kapwa lawmaker na igalang nito ang ginagawang pagganap ng Kamara sa mandato nito. Ito’y matapos sabihin ng senador na ginagamit ng Kamara ang imbestigasyon ng International Criminal Court laban sa… Continue reading SDS Gonzales, hiniling kay Sen. dela Rosa na magbigay ng kurtesiya sa Kamara kasunod ng mga pahayag nito laban sa ICC probe ng kapulungan

Komemorasyon ng Philppine Army ng Bonifacio Day, pinangunahan ni Lt. Gen. Galido

Pinangunahan ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Roy Galido ang komemorasyon ng Philippine Army ng Bonifacio Day ngayong umaga. Ito’y sa pamamagitan ng simultaneous flag-raising at wreath laying ceremony sa Army Headquarters, Fort Bonifacio, Taguig. Sa kanyang pahayag, hinimok ni Lt. Gen. Galido ang lahat ng mga tropa at sibilyang empleyado ng Philippine Army na… Continue reading Komemorasyon ng Philppine Army ng Bonifacio Day, pinangunahan ni Lt. Gen. Galido

Paglagda sa Oslo Joint Communique, welcome sa DILG

Welcome development para sa Department of the Interior and Local Government ang paglagda ng Pilipinas at the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa Oslo Joint Communique. Ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos Jr., mahalagang hakbang ito sa peace process at malinaw na simbolo ng commitment ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para maresolba… Continue reading Paglagda sa Oslo Joint Communique, welcome sa DILG

Facemask at alcohol, naging mabenta muli matapos tumaas muli ang kaso ng mga nagkakasakit dahil sa tuyo at malamig na panahon

Balik sa paggamit ng facemask ang ilang Pilipino ngayong patuloy sa pagdami ang mga naitatalang kaso ng influenza-like na sakit. Ito’y para protektahan ang kanilang sarili gayundin ang kanilang pamilya mula sa banta ng sakit. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa San Juan City, sinabi ng mga nagtitinda ng facemask at alcohol na gumaganda na… Continue reading Facemask at alcohol, naging mabenta muli matapos tumaas muli ang kaso ng mga nagkakasakit dahil sa tuyo at malamig na panahon

MERALCO, nagbukas ng pre-bid conference para sa kanilang 1,200 megawatts baseload

Binuksan ng Manila Electric Company o MERALCO ang kanilang Competitive Selection Process para sa 1,200 megawatts na baseload requirements. Ayon sa MERALCO, ito ay para matiyak na kanilang maipagpapatuloy ang pagbibigay ng sapat at maaasahang suplay ng kuryente lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan. Ayon sa MERALCO, alinsunod ito sa inilabas na Certificate of Conformity… Continue reading MERALCO, nagbukas ng pre-bid conference para sa kanilang 1,200 megawatts baseload

Dalawang bagong barko ng Phil. Navy, sinimulan ang konstruksyon sa Korea

Pinangunahan ni Philippine Navy Chief Vice Admiral Toribio Adaci Jr. ang delegasyon ng Philippine Navy na dumalo sa steel-cutting at keel-laying ceremony para sa dalawang bagong barko ng Philippine Navy sa HD Hyundai Heavy Industries (HD HHI) Shipyard sa Ulsan, Republic of Korea. Ito ang hudyat ng pagsisimula ng konstruksyon ng dalawang bagong corvette, na… Continue reading Dalawang bagong barko ng Phil. Navy, sinimulan ang konstruksyon sa Korea

Mga beterano, kinilala ng Pasig LGU kaalinsabay ng pagdiriwang ng Bonifacio Day

Binigyang-pugay ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang mga beterano ng ikalawang digmaang pandaigdig sa ika-160 kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio ngayong araw. Pinangunahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagdiriwang kung saan nag-alay ito ng bulaklak kasama si Vice Mayor Dudut Jaworski gayundin ang Sangguniang Lungsod. Ayon kay Mayor Sotto, tulad ni Bonifacio, hindi… Continue reading Mga beterano, kinilala ng Pasig LGU kaalinsabay ng pagdiriwang ng Bonifacio Day

Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv, inihahanda na ang bagong pasaporte, dokumento ni Jimmy Pacheco para sa pagbalik nito sa bansa

Inihahanda na ng Philippine Embassy sa Tel Aviv ang panibagong passport para sa Pinoy na si “Jimmy” Pacheco na binihag ng Hamas na kinalaunan ay pinakawalan din. Nasira kasi ang passport ni Pacheco kasunod ng pagkakabihag sa kanya ng mga militanteng Hamas kung kaya napagdesisyunang palitan ito ng Embahada. Kasama rin sa nawala kay Pacheco… Continue reading Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv, inihahanda na ang bagong pasaporte, dokumento ni Jimmy Pacheco para sa pagbalik nito sa bansa