Hinimok ng Social Security System ang mga may-ari ng anim na business establishment na ayusin ang kanilang contribution delinquencies sa ahensya.
Dalawa sa mga establishment ay pharmacy at household appliances retail store.
Inisyuhan sila ng ‘notices of violation’ ng SSS sa isinagawang Run After Contribution Evaders (RACE) operation sa Taguig City.
Ayon sa SSS, nabigo ang mga ito na ipasok ang kontribusyin ng kanilang mga manggagawa at ang hindi paggawa ng records.
Abot sa P3.4 milyong halaga ng kontribusyon at penalties ang hindi nabayaran ng mga employer sa ahensya.
Binigyan lamang sila ng 15 araw para ayusin ang kanilang contribution delinquencies sa SSS Bicutan-Sun Valley Branch.
Paglilinaw ng SSS na nilabag ng mga employer ang Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018 na may katapat na kaparusahan. | ulat ni Rey Ferrer