Bagong halal na punong barangay sa Pagadian City, patay sa pamamaril

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patay sa pamamaril ang bagong halal na punong barangay ng Barangay Lapidian sa lunsod ng Pagadian pasado alas 6:00 kagabi.

Kinilala ng Pagadian City PNP ang biktima na si Ropoldo “Lolong” Dacol, bagong halal na kapitan ng nabanggit barangay na nakatakda sanang manunumpa sa kanyang tungkulin ngayong araw.

Ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa kanyang kaliwang tagiliran.

Naisugod pa sa ospital si Dacol ngunit idineklara na itong dead on arrival dahil malubhang tama ng bala na kanyang tinamo.

Ibinunyag ng asawa ng biktima na nakatanggap ng banta sa buhay si Dacol sa kasagsagan Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Dagdag nito na tatlo sa mga kagawad nito ang nanalo sa nakaraang halalan na nasa ikalima, ikaanim, at ikapitong pwesto.

Kasalukuyan pang nasasagawa ng malalimang imbestigasyon sa Pagadian City police para sa pagkakilanlan ng mga suspek at utak ng krimen. | ulat ni Lesty Cubol | RP1 Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us