DILG Sec. Abalos, nakatutok sa pagbibigay hustisya sa pinaslang na brodkaster sa Misamis Occidental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit na nakabantay na rin si DILG Sec. Benjamin C. Abalos, Jr. sa development ng kaso ng pinaslang na radio broadcaster sa Misamis Occidental na si Juan Jumalon alyas ‘Johnny Walker’.

Sa isang pahayag, kinundena ng kalihim ang krimen na aniya ay maituturing na direktang atake sa malayang pamamahayag at walang puwang sa lipunan.

“The fatal shooting of local broadcaster Juan Jumalon in Misamis Occidental yesterday was a deplorable and dastardly act that has no place in our society.”

Nagpaabot rin ito ng pakikiramay sa naulilang pamilya ng nasawing brodcaster.

Kasunod nito, tiniyak ng kalihim na nakatutok na ang DILG at ang pulisya sa pagtugis at pagpapanagot sa may kagagawan ng pagpaslang na ito.

Ayon kay Sec. Abalos, ginagawa ng binuong PNP Special Investigation Task Group (SITG) “Johnny Walker” ang lahat para agad na matunton ang nasa likod ng krimen.

Katunayan, mayroon na aniyang inilabas ang SITG na computerized facial sketch ng isa sa mga suspek at natapos na rin sa cross matching ng mga basyo ng balang nakita sa crime scene.

Samantala, nakatutok na rin aniya ang PNP Regional Anti-Cybercrime Unit para mapalinaw pa ang kuha ng na-recover na CCTV footages.

“We expect to have breakthroughs in this case at the soonest time possible.” Ani Sec. Abalos. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us