Gunmen sa Nueva Ecija bus shooting, inaalam kung mga pulis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaalam ng PNP kung mga pulis ang dalawang suspek sa pamamaril ng dalawang mag-live in sa loob ng bus habang bumibiyahe sa Carranglan, Nueva Ecija kamakalawa.

Ayon kay PNP Public Information Office chief at spokesperson Police Col. Jean Fajardo, ito’y dahil sa suot na camouflage uniform ng mga suspek.

Base aniya sa kuha ng dashcam ng bus, marunong gumamit ng baril ang mga suspek dahil na rin sa kilos ng mga ito nang isagawa ang krimen.

Kaya posible aniyang mga gun-for-hire ang mga ito na may iba pang kinasasangkutang kaso.

Ayon kay Fajardo, isinasailalim na sa cross-matching ang mga basyo ng bala na nakuha ng mga awtoridad mula sa bus, para malaman kung iisang tao o grupo lamang ang nasa likod ng pagpatay. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us