Higit 100 ipinagbabawal na gamit, nakumpiska sa mga bumibisita sa La Loma Cemetery

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasabay ng buhos ng mga dumadalaw sa La Loma Catholic Cemetery ay dumarami din ang bilang ng mga gamit na nakukumpiska sa entrada ng sementeryo.

Katunayan, mayroon nang higit sa 100 na mga ipinagbabawal na gamit ang nakumpiska sa mga bumibisita dito.

Pinakamarami ang lighter at alcohol na maituturing na flammable materias, kinukumpiska rin ang mga may bitbit na sigarilyo maging at mga nail cutter na maaaring makapanakit.

Simula kaninang alas-6 ng umaga hanggang nitong alas-10 ng umaga ay nasa mahigit 5,000 indibidwal na ang naitalang bumisita sa La Loma Cemetery.

Bukod pa ito sa humigit kumulang na 2,000 nagtutungo rin sa kolumbaryo.

Nakakalat naman ang mga kawani ng Caloocan LGU upang panatilihin ang kaayusan at seguridad sa naturang sementeryo ngayong Undas.

Mayroon itong alok na libreng BP at libreng tubig para sa mga bumibisita.

Kasunod nito, nakiusap naman si Caloocan Mayor Along Malapitan sa mga magtutungo pa rito na sumunod sa mga panuntunan kabilang ang pagbabawal sa pagdadala ng mga patalim, gamit pansugal, at mga malalakas na sound system. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us