House Speaker Romualdez, tiwalang maipagpapatuloy ng bagong talagang kalihim ng DA ang mga nagawa ni Pangulong Marcos Jr. sa agrikultura

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez ang pagkakatalaga kay Navotas-Malabon businessman Francisco Tiu Laurel Jr. bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Naniniwala si Speaker Romualdez, na ipagpapatuloy ng bagong kalihim ang mga nasimulan ng Pangulo sa kagawaran.

Ayon kay Speaker Romualdez, malawak ang background at karanasan ni Laurela sa pribadong sector na maaari niyang magamit sa pagpapaunlad ng agriculture at fisheries sector.

Ang bagong kalihim ay presidente ng Frabelle Fishing Corporation, at naglinkod na sa ilang mga malalaking kumpanya gaya ng Frabelle Shipyard Corp. at Westpac Meat Processing Corp.

Dagdag ng House leader, malaki ang magiging ambag sa pagsasanib ng kanyang abilidad at kaalaman sa   innovation, efficiency, at competitiveness, at sa layunin ng gobyerno na paghusayin ang agriculture at fisheries sector.

Samantala, pinasalamatan naman ni Speaker Romualdez si Pangulong Marcos Jr. sa kanyang dedikasyon at serbisyo bilang “outgoing” secretary ng DA.

Aniya, ang kanyang pagsisikap na mailatag ang matibay na pundasyon para sa kagawaran ay malinaw na layunin na maiangat ang buhay ng mga magsasaka at mangingisda.

Diin ni Speaker Romualdez, mahalaga para sa isang pinuno gaya ni Sec. Laurel na tugunan ang mga isyu sa merkado habang pinapangalagaan ang kapakanan ng mga ordinaryong Pilipino. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us