Nagkasa ng policy dialogue is OFW party-list Rep. Marissa Magsino kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Itoy’y patungkol sa kaniyang resolusyon na rebisahin ang Inter-Agency Medical Repatriation Assistance Program o IMRAP para sa mga OFW.
Kabilang sa mga dumalo sa pulong ang mga ahensyang nagpapatupad sa programa tulad ng Department of Health (DOH), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Social Work and Development (DSWD), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO), at Manila International Airport Authority (MIAA).
Ayon kay Magsino, paraan ito upang malaman kung epektibo pa ba ang programa, kung tamang naipatutupad at kung may sapat na pondo.
Mahalaga rin aniya na bisitahin ito muli lalo at 2017 pa nang ikasa ang IMRAP at nagkaroon na ng mga pagbabago gaya ng nagdaang pandemya at ang pagkakatatag ng DMW.
Inilalatag ng IMRAP ang isang mekanimso para bigyang tulong, partikular ng medical assistance ang mga OFW at Overseas Filipinos na uuwi ng bansa mula pre-arrival hanggang post-arrival.
“Maganda ang ideya ng IMRAP. Bago pa man dumating sa bansa ang OF o OFW na nangangailangan ng medical repatriation, kasado na ang mekanismo simula sa Migrant Welfare Office (MWO) o kaya sa Embahada ng Pilipinas. Paglapag sa airport ay kasado na din ang pagsalubong ng ating mga ahensya tulad ng MIAA, OWWA, at DOH hanggang sa maihatid ang OF o OFW sa tahanan o kaya’y mailipat sa ospital. At hindi doon natatapos ang tulong natin, dapat ay nakasalo na ang mga programa ng DSWD at PCSO para sa repatriated OF o OFW. The process should be continuous and seamless. However, in actuality, this does not happen all the time or does not happen as smoothly as the JMC envisioned.” sabi ni Magsino.
Ayon sa mga government agencies, dahil sa nagbabagong work setting para sa mga OFW ay napapanahon nang baguhin ang IMRAP.
Kailangan din anilang i-streamline o padaliin ang koordinasyon sa pagitan ng mga ahensyang nagpapatupad ng IMRAP.
Pabor din sila na isama sa programa ang repatriation ng distressed OFs at OFWs at hindi lang para sa medical repatriation.
“We are thankful to all the agencies who participated in the dialogue and who recognize the urgent need to revise the guidelines to make the IMRAP more effective and beneficial, especially as we deal with a series of repatriations in conflict areas such as Israel, Lebanon, and recently Sudan. These are not necessarily medical in nature, but necessitate the State’s intervention from pre-arrival to post-arrival, especially with psycho-social counseling and the provision of welfare assistance.” Dagdag ng lady solon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes
📷: OFW Partylist