Kaso laban sa 3 suspek sa pagpatay sa broadcaster mula Misamis Occidental, resesolbahin sa loob ng 10 araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Office of the Provincial Prosecutor ng Misamis Occidental na gagawin nilang prayoridad ang kasong inihain ng Police Regional Office (PRO) 10 laban sa tatlong suspek sa pagpatay sa broadcaster na si Juan Jumalon.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, nagbigay ng commitment ang Provincial Prosecutor na reresolbahin nila ang kaso sa loob ng itinakdang “10-day period”.

Una nang inanunsyo ni Fajardo na inihain na kahapon ng PRO 10 ang kasong ”murder at theft laban sa isang hindi pinangalanang suspek at dalawang “John Doe” na sangkot sa pamamaril at pagpatay kay Jumalon na kilala din bilang “Johnny Walker”.

Ito ay sasailalim sa ebalwasyon ng Assisting Prosecutor sa ilalim ng case build-up mechanism ng Department of Justice alinsunod sa DOJ Department Circular No. 20, para madetermina kung may sapat na ebidensya.

Matatandaang si Jumalon ay binaril ng gunman sa loob ng kanyang bahay na nagsisilbing broadcast studio noong Linggo ng umaga, habang nakabantay sa gate ang pangalawang suspek at nakaabang naman sa labas ng bahay ang pangatlong suspek. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us