Lalaking bumangga sa boom barrier ng VIP parking, arestado matapos makuhanan ng iligal na droga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng iligal na droga sa VIP parking sa Ninoy Aquino International Airport NAIA terminal 3 kagabi.

Kinilala ang suspek na si Norberto Espino 52 taong gulang.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP AVSEGROUP Police Sub station 3, pumasok ang suspek sa VIP parking kung saan hindi ito awtorisadong mag-park.

Hinarang pa ng guard ang suspek sakay ng minamaneho nitong dark gray Montero sport na may plakang OBE-206 subalit nagtuloy-tuloy pa rin ito at binangga niya ang boom sa entrance ng VIP parking kaya’t tumawag ng backup ang security guard.

Agad naman dumating ang mga tauhan ng PNP AVSEGROUP at NAIA PDEA-IADITG kung saan inaresto ni Patrolman Palaganas ang bangag pa umano sa iligal na droga ang suspek.

Narekober ng mga awtoridad ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na limang gramo na may street value na aabot sa 34,000 ang halaga nito kasama ang malalaking aluminum foil na katatapos lang gamitin ng suspek at drug paraphernalia.

Nasa kustodiya na ng NAIA-PDEA IADITG ang suspek na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso na may kaugnayan sa ‘illegal drugs’ at ‘driving without license’. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us