Simula bukas Nobyembre 7, palalawakin na ang Meycauayan northbound exit mula dalawa hanggang tatlong lane.
Ayon sa NLEX Corporation, ang konstruksyon ng bagong northbound exit sa F. Raymundo sa Barangay Pandayan ay magsisimula na rin.
Ang nasabing proyekto ay layong maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa Meycauayan na bahagi ng NLEX, para sa kaginhawahaan na rin ng mga motorista.
Kaugnay nito, magpapakalat ng traffic personnel sa key areas upang pangasiwaan ang traffic situation.
Ang proyekto ay pagtutulungan ng NLEX Corporation at Meycauayan Local Government. | ulat ni Rey Ferrer