Mga bibisita sa Holy Cross Cemetery ngayong Undas, posibleng bumalik na sa pre-pandemic level

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahan ng Novaliches Police na muling bumalik sa pre-pandemic level ang bilang ng mga indibidwal na magtutungo sa Holy Cross Cemetery sa Quezon City ngayong All Saints Day.

Sa pag-iikot ni Novaliches Police station commander Lt. Col Jerry Castillo, kapansin-pansin na ang maraming pamilyang maagang bumisita sa sementeryo,

As of 9am, umabot na sa 2,750 ang crowd estimate dito,

Ayon kay Col. Castillo, kung magpapatuloy ang maaliwalas na panahon ay posibleng umabot hanggang sa 200,000 ang bisita sa Holy Cross Cemetery.

Sa kabila nito, nananatiling maayos naman ang sitwasyon sa loob ng sementeryo at wala pa ring naitatalang anumang ‘untoward incident’ ang pulisya.

Bukod sa seguridad, kasama rin sa tinututukan ng Novaliches PNP ang pagmamando sa daloy ng trapiko lalo na sa mga pribadong sasakyan na labas-masok sa Holy Cross.

Kasunod nito, nagpaalala naman si Lt.Col. Castillo sa mga nanay na hanggat maaari ay ‘wag nang magbitbit ng maliliit na anak sa sementeryo at kung di maiwasan, ay lagyan sila ng nametag.

Dapat rin aniyang may kasamang alalay ang mga matatandang magtutungo sa mga sementeryo para na rin sa kanilang kapakanan.

Ikatlo ang Holy Cross Cemetery sa pinakamalaking sementryo sa buong Metro Manila na may 52,000 na nakalibing. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us