Mga bumisita sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa San Juan City, pumalo na sa 3,000

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pumalo na sa humigit kumulang 3,000 ang bilang ng mga nagtungo sa St. John the Baptist Cemetery sa San Juan City ngayong All Saint’s Day o tradisyunal na Undas.

Hindi alintana ng mga bumibisita ang mahinang pag-ulan, mabisita lamang ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Bagaman hindi kinukumpiska rito ang mga lighter at posporo bilang panindi sa kanilang mga kandila, mahigpit naman ang paalala ng mga awtoridad na bawal ang paniniragilyo sa loob ng semeteryo.

May ilan ding nagtangka pang magpasok ng pintura gayundin ng mga alagang hayop subalit hinarang na ito sa entrada pa lamang.

Ayon naman sa San Juan City LGU, tinatayang nasa 5,000 ang inaasahan nilang daragsa sa naturang sementeryo mula hapon hanggang gabi.

Samantala, para matiyak ang kaayusan ay nakakalat sa sementeryo ang mga tauhan mula sa Safety Office at Task Force Disiplina, kaagapay ang San Juan PNP at San Juan BFP.

Nagpapatupad ng traffic re-routing ang San Juan LGU sa bahagi ng Boni Serrano kung saan, ang mga manggagaling ng Camp Crame sa Quezon City ay kailangang kumanan sa 2nd avenue, diretso sa Mariposa St. at C. Benitez papasok ng San Juan City. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us