Mga nagsitungo sa mga sementeryo sa buong bansa, lagpas 800k

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 828,000 indibidwal ang nagtungo sa iba’t ibang sementeryo sa buong bansa ngayong umaga para sa Undas 2023.

Batay ito sa situation report ng iba’t ibang Police Regional Office (PRO) na natanggap ng PNP Monitoring Center as of 10 am kanina.

Pinakamarami sa bilang na ito ang iniulat ng PRO 1 na nasa 277,000; pumangalawa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na nasa 222,000; at pumangatlo ang PRO 3 na nasa 117,000.

Umabot naman sa 43,000 pulis ang ipinakalat para sa seguridad sa mga sementeryo at iba pang ‘places of convergence’ sa buong bansa kung saan pinakamarami ang dineploy ng NCRPO na nasa 11,000.

Katulong naman ng mga pulis ang 34,000 force multipliers sa pagbabantay.

Una nang nagpahayag ng kasiyahan si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa pangkalahatang maayos na sitwasyon sa mga sementeryo at transportation hubs sa buong bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us