MMDA, patuloy ang paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng pagbaha sa Northern at Eastern Samar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang patid ang paghahatid ng tulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga nasalanta ng matinding pagbaha sa Northern at Eastern Samar.

Ayon sa MMDA, umabot na sa mahigit 6,000 galon ng malinis na tubig na magagamit na pangluto at inumin ang naipamahagi ng ahensya sa mga pamilya sa mga apektadong lugar habang hinihintay pa ang resulta ng water test doon.

Kabilang sa mga naserbisyuhan ang Munisipalidad ng Mondragon sa Barangay Bagasbas, San Roque sa Barangay Pagsanjan, Munisipalidad ng Lope de Vega sa Barangay Poblacion, Munisipalidad ng Catarman sa Barangay Hinatad, at Barangay Tinuwaran.

Matatandaang ipinadala ng MMDA ang mga tauhan nito mula sa Public Safety Division at Road Emergency Group noong November 24, alinsunod sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na tulungan ang mga nasalanta ng pagbaha bunsod ng shearline sa mga nabanggit na mga lalawigan.

Bitbit ng humanitarian contingent ang nasa 60 units ng solar-powered water purification system na kayang makalikha ng 180 galon ng inuming tubig kada oras. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us