NUJP, kinondena ang pagpaslang sa isang radio broadcaster sa Misamis Occidental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang walang pakundangan na pagpatay sa isang radio broadcaster na si Juan T. Jumalon na kilala rin bilang DJ Johnny Walker, ng 94.7 Calamba Gold FM sa Calamba, Misamis Occidental kaninang madaling araw, Nobyembre 5, 2023.

Ayon sa inisyal na ulat, binaril si Jumalon ng hindi pa nakikilalang mga suspek habang nagpoprograma. Nakunan ang pamamaril sa livestream ng kanyang mismong programa.

Lalo pang kinondena ang pag-atake dahil nangyari ito sa sariling tahanan ni Jumalon, na nagsilbing istasyon din ng radyo.

Ang pagpatay kay Jumalon ay ika-199 na mula noong 1986 at pang-apat sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Nagkataon din ang pagpatay sa parehong linggo ng International Day to End Impunity for Crimes Against Journalists.| ulat ni Biema L. Miñoza| RP1 Iligan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us