PNP, nagpasalamat sa mapayapang pagdaraos ng transport strike

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Col. Jean Fajardo sa mga nakilahok sa transport strike sa mapayapang pagdaraos ng kanilang kilos-protesta.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame ngayong tanghali, sinabi ni Fajardo na sa araw na ito may na-monitor ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na humigit kumulang 100 indibidwal na nagsagawa ng rally sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Mas mababa ito sa humigit kumulang 600 na na-monitor sa unang araw ng transport strike kahapon.

Ayon kay Fajardo, hindi gaanong naramdaman ang epekto ng tigil pasada dahil sa mga dineploy na sasakyan ng iba’t ibang ahensya ng gubyerno, kabilang ang PNP para umalalay sa mga commuter na walang masakyan.

Tiniyak naman ni Fajardo na patuloy na gagalangin ng PNP ang karapatan ng mga nagpo-protesta, bilang bahagi ng malayang pagpapahayag ng kanilang hinaing.

Muli namang nanawagan si Fajardo sa mga nagpo-protesta na panatilihing maayos ang kanilang pagkilos at ‘wag abalahin ang trapiko at ang mga tsuper na gustong mamasada. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us