Posibleng kapabayaan ng mga pulis sa sinalakay na POGO hub sa Pasay, iimbestigahan ng PNP-IAS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumuo ng Special Investigation Task Group (SITG) ang PNP Internal Affairs Service (IAS) para imbestigahan ang posibleng kapabayaan ng mga pulis sa Pasay kaugnay ng sinalakay na POGO hub noong Oktubre 27.

Ayon kay PNP-IAS Inspector General Alfegar Triambulo, iimbestigahan nila ang hepe ng Pasay Police at Pasay City-substation na malapit sa POGO hub.

Mahigpit na atas ni Triambulo sa task force, gawing mabilis ngunit malalim ang pag-iimbestiga sa mga pulis dahil mabigat na isyu ang human trafficking na nangyari sa nasasakupan ng Pasay City police na hindi umano nila na-detect.

Ang imbestigasyon ay inilunsad ng IAS, alinsunod sa panawagan ni Department of Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos na paganahin ng IAS ang kanilang kapangyarihan para mangalap ng mga ebidensya at alamin ang mga pagkukulang sa naturang raid sa POGO hub.

Naniniwala kasi sa Abalos na imposibleng hindi alam ng mga pulis sa lugar ang iligal na aktibidad sa naturang POGO. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us