Rescue patrol car, primary hospital, at community college pangunahing proyektong laan sa mga barangay sa Albay — House Appropriation Chairperson Co
Multi-bilyong pisong halaga ng proyekto, ang inilaan ni AKO Bicol Solon Elizaldy Co, House Chairperson ng Appropriations Committee sa mga barangay sa ikalawang distrito ng Albay bilang tulong ng mababang kapulungan sa mga barangay bilang smallest government unit na siyang maghahatid serbisyo sa mga mamamayan.
Ang unang mabibigyan ng rescue patrol cars, ang mga barangay sa ikalawang distrito ng probinsiya. Aabot sa P250-M ang halaga ng pondo, ang laan sa unang batch ng mga barangay sa lungsod ng Legazpi, mga bayan ng Camalig, Daraga, Manito, at Rapu Rapu na mabibigyan ng nasabing proyekto.
Layon nitong, agad na makatugon ang barangay to ‘save lives and properties’, sa loob ng 5 hanggang 10 minuto. Gayundin sa peace and order situation sa mga barangay.
Maglalagay rin ng primary hospitals, sa mga bayang nabanggit. Bawat ospital ay may sampung bed capacity. P5-M ang pondong laan sa bawat primary hospital.
May proyekto rin sa edukasyon, ito ang magtayo ng community college sa mga lugar bayang nabanggit, upang hindi na bumaba ang mga ito sa kanayunan, at ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.
Sabi pa ni Co, ang nabanggit na mga proyekto ay dadalhin rin sa ibang distrito ng lalawigan, bagamat nauna ang 2nd district. | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay